^

PSN Showbiz

Jimmy Bondoc tumutulong sa mga singer na walang pera

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Kung ang ibang aspiring singers o maging ‘yung mga beterano ay gustong nakatali sila sa mga kilalang recording companies, iba ang pananaw ni Jimmy Bondoc tungkol dito.

Bagama’t minsan na rin siyang naging artist ng Star Records matapos mag-no. 1 ang kanyang first single na "Let Me Be the One", wala naman siyang sama ng loob sa Star Records matapos mag-expire ang contract niya rito. Ok lang daw sa kanya yun dahil gusto naman talaga niyang maging independent bilang singer. Katwiran niya, may talent siya at kaya naman niyang mag-solo. Sa isang recording company nga naman, maraming demands at restrictions. Nalilimitahan ang kanyang paggawa ng musika. Ang impression tuloy ng tao, hanggang do’n lang ang kaya niyang gawin. At ang pakiramdam niya, nagiging sunud-sunuran siya sa dikta ng mga taong nakapaligid sa kanila.

"Matigas kasi ang ulo ko. Ayoko nang nasasakal. Gusto ko ng freedom sa lahat ng ginagawa ko lalo na sa musika ko. At least ngayon, lahat ng klase ng kanta nai-express ko sa audience ko. Hindi lang yung tipong ballad, jazz o lovesong ang pwede kong kantahin sa kanila," sabi niya.

Kaya naman punung-puno ang lahat ng shows nito gabi-gabi from Monday to Sunday sa iba’t ibang music lounges at bar na kinakantahan nito sa Kamaynilaan. Napansin kong appreciated ng kanyang mga fans ang sinasabi niyang freedom sa musika. Lahat ng klase ng kanta ay nakakanta niya with his guitar. Kahit mga rap songs ay nagagawa na rin niya. Hindi siya takot sa magiging reaction ng audience niya. Basta ang importante, masaya siyang nai-express ang sarili niya through his music.

Isang talented musician si Jimmy. Tumutulong din siya sa mga baguhang singers lalo na sa mga freelance singer na walang budget para makapag-produce ng sariling album. Naniniwala siyang may mararating din ang mga independent singers na tulad niya.

Dati silang magkasama ni Nina sa banda. Noon pa niya napansin ang galing nito. Kung kaya pinayuhan nito na mag-solo si Nina. Ginawan niya ito ng demo tape na nakapasa naman agad sa Warner Music at nabigyan din agad ng album. Bukod sa pagkanta, si Jimmy din ang manager ng Essence band.

Hindi lang mahusay na singer si Jimmy, magaling din siyang tumugtog ng gitara, piano at sumulat ng kanta. Natutuhan daw niya ang lahat ng ito sa Dulaang Sibol, isang theater group ng Ateneo kung saan siya nagtapos mula elementary hanggang college ng kursong AB communications.
*****
Hindi ko alam kung saan kumuha ng lakas ng loob si Patricia Javier nang gawin niya ang Bare Naked.

Talaga namang wala na siyang itinago sa VCD na ito.

Ang naturang video ni Patricia na pagkatapos nitong mai-launch, kinabukasan ay napirata na agad.

Pero maging sa mga record bars ay pwede ring makabili ang mga minor de edad ng VCD nito kaya parang imposible yata na maging for adults only ito.

vuukle comment

BARE NAKED

DULAANG SIBOL

JIMMY BONDOC

LET ME BE THE ONE

NINA

NIYA

PATRICIA JAVIER

STAR RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with