^

PSN Showbiz

Alfie Lorenzo at Cristy Fermin magsasalpukan sa ABS-CBN

-
Maraming nag-react sa balitang magsasama sa isang talk show ang napapabalitang "mortal enemies" sa writing industry at entertainment na sina Alfie Lorenzo at Cristy Fermin. Di pa nabubura sa kamalayan ng marami ang kanilang ‘awayan’ dahil sa naging patutsada ni Tita Cristy kay Judy Ann Santos na sinagot naman ni Tito Alfie sa kanyang naging bira kay Piolo Pascual.

Sa aming pagkaalam ay magkakaroon ng pag-uusap si Tito Alfie bago ito tumulak patungong America sa mga namumuno ng ABS-CBN tungkol sa magiging format o ang gagawing konsepto ng bagong show nila ni Tita Cristy. Kung ano man ang mapagkasunduan sa naturang usapan ay gagawan ito ng katuparan sa pagbabalik ng manager ni Juday sa darating na Marso 19 mula sa mga show ni Juday sa USA at Canada.

Ayon sa impormasyong nakalat, gagawing pangtapat ang programa ng dalawa sa matagal nang humahataw na Startalk ng GMA-7 na ang mga host dito ay sina Rosanna Roces, Butch Francisco at Lolit Solis. "It’s a healthy competition para sa lahat dahil magkakaibigan naman ang lahat. Di ba the more the merrier?" pahayag ni Tito Alfie sa kanyang radio program sa DZMM. – Alex Datu

vuukle comment

ALEX DATU

ALFIE LORENZO

BUTCH FRANCISCO

CRISTY FERMIN

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

LOLIT SOLIS

TITA CRISTY

TITO ALFIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with