^

PSN Showbiz

Angelika nakapagmura dahil sa pagtatanggol sa ama

-
Mixed emotions ang nararamdaman nitong si Angelika dela Cruz kung kaya’t sa kabiglaan ay namura niya ang security guard na nanakit sa kanyang ama.

Ang dahilan ng pananakit ng security guard sa ama ng aktres sa studio ng SOP ay ang ginawang paglipat ng channel mula sa programang SOP sa ASAP ng kasama nitong baklang reporter.

Ang naturang TV monitor ay nakalagay sa labas ng studio kung saan mino-monitor ito at pinanonood ng mga taong hindi pumapasok sa loob ng Studio 3. Ewan, kung anong gulo ang ibig palabasin nitong bading na reporter at inilipat iyon sa ibang programa na kakumpitensya pa ng GMA 7. Sinita ito ng sekyu at ipinagtanggol naman ng ama ng aktres at nasaksihan naman ni Angelika ang pananakit ng sekyu kung kaya’t namura niya iyon.

Medyo pressured pa nga ang mga sekyu kasi bago pa nangyari ang ganitong aksidente ay meron na ring krimen pang naunang naganap sa loob ng dressing room. Ang pagkawala ng cellphones ng mga artistang host at guests mismo sa Studio 3 ng GMA7. (Ulat ni Boni Casiano)

vuukle comment

ANGELIKA

BONI CASIANO

CRUZ

EWAN

KUNG

MEDYO

SINITA

STUDIO

ULAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with