^

PSN Showbiz

Chynna, ayaw magpahalik gusto siya ang humalik

- Veronica R. Samio -
Nasorpresa ako nang malaman ko na turning 20 na pala si Chynna Ortaleza sa December 6. Akala ko kasi, mga 15 or 16 lamang siya. I’m sure maski kayo na bumabasa nito at yung maraming nakakapanood sa kanya sa Click at maging sa Ikaw Lang Ang Mamahalin at sa Habang Kapiling Ka ay naisip din na mas bata siya sa kanyang edad. Kaya naman nakaabot na siya ng second year sa Communication Arts course na kinukuha niya sa UST. At kung hindi lamang sa napaka-hectic na sked niya, hindi siya hihinto. "Babalik din ako sa school," pangako niya.

May pelikula si Chynna na ang tunay na pangalan ay Lara Serena. "Naging Chynna lamang because it rhymes with my second name (Serena)," imporma niya sa presscon ng kanyang pelikulang Bakit Papa?, ang debut movie ng Sex Bomb Girls sa Regal Entertainment.

"Kasama ako sa movie. I play the role of Chiqui, tita ng 3 powderpuff kids (Dindin Llarena, Jane Oineza & Angelique Ferrer). Isa sa mga stuffed toys nila ay napagkamalang lagyan ni Richard Gutierrez ng disc kaya hinahabol sila ng mga goons," aniya.

Muli ginagampanan nila ni Richard ang role ng isang magka-loveteam which they started on television.

Bakit sa palagay niya nagki-klik sila ni Richard?

"Maybe because we’re comfortable with each other at may chemistry kami," aniya.

Pumayag siyang magkaroon ng kissing scene kay Richard sa Click. "It wasn’t bastos naman. Smack lang. At parang aksidente lang ang situation kaya nagkaroon ng kissing scene.

"Hindi si Richard ang first screen kiss ko. Kundi si Cogie Domingo sa Ikaw Lang Ang Mamahalin. On both occasions, ako ang humalik sa kanila.

"Hindi ako nagpapahalik. Mas gusto kong ako ang humahalik. This way may control ako sa situation. Baka pag sila ang humalik sa akin ay nerbyusin pa ako," dagdag pa niya.
*****
Nakatakda nang idaos ang Miss Asia Pacific Quest 2002 sa katapusan ng buwang ito, November 30 to be exact. Now, on its 34th year, patuloy ito sa pagpu-promote ng peace, goodwill, trade & tourism sa mga bansa sa Asia at sa Pacific basin.

Sa kabila ng pagkakaroon ng gulo sa ating bansa ngayon na nagbibigay ng malaking problema sa seguridad ng mga kalahok, dumating pa rin ang 22 kandidata na mga magagandang babae mula sa kani-kanilang bansa para lumahok sa first Filipino initiated beauty pageant na mapapanood ng live sa GMA. May tatlo pang contestants na nakatakdang dumating anytime now, ang Misses Japan, Canada at Malaysia.

Ang mga finalists sa Miss Asia Pacific Quest 2002 ay sina: Miss China, Yang Liu, 22, 5’7", 34-24-35; Miss Colombia, Flavia Albore, 22, 5’7". 35-24-35; Miss Costa Rica, Shirley Sandoval. 22. 5’4". 35-241/2-37; Miss Equador, Angela Gomez, 22, 5’6 1/4", 37-26-38; Miss Fiji, Aishwarya Sukhdeo, 22, 5’7", 35-25-361/2;Miss Guam, Dina Dalby, 22, 5’6 1/4", 34-26-38;

Miss Guatemala, Elsy Liliana Palma, 19, 5’4", 35-25-36 1/2; Miss Hongkong, Pui Yin Wong, 20, 5’5 1/2", 33-24-35; Miss India, Tina Chattwal, 24, 5’7", 34-24 1/2-36; Miss Korea, Kim So-Yun, 23, 5’7", 35-26-35 1/2; Miss Mexico, Luz Garcia, 22, 5’6",33 1/2-23 1/2-36; Miss New Caledonia, Alexandra Sakamoto, 22, 5’6", 35-24-36; Miss Panama, Karina Goods, 24, 5’6", 35-23-35; Miss Peru, Jennifer Fon, 24, 5’6 1/2", 35-24-36; Mutya ng Pilipinas, Miriam Chui, 21, 5’5 1/2", 35-24-35; Miss Russia, Ksenia Volokova, 20, 5’8 1/2", 36-26-38; Miss Singapore, Julia Lim, 23, 5’7 3/4", 34-24-35 1/2; Miss Sri Lanka, Nishadika Jayawardene, 20, 5’5 1/2", 32-23-34; Miss Thailand, Thanawan Romsaeng, 20, 5’8 1/4", 34-23-35 1/2;Miss Turkey, Ozge Ulusoy, 20, 5’9". 34-25-36.

I found Miss Korea the prettiest among the batch. Hindi na nakapagtataka kung hindi siya marunong mag-Ingles at hindi makasagot sa katanungan ng media. Nagtataka ako kung bakit hindi siya binigyan ng interpreter.

Maganda pa rin ang ating Mutya ng Pilipinas. Sayang at napaka-taba niya. Kailangan ng magic para papayatin siya para sa pageant.

In fairness, mas maraming magagandang kalahok this year. Iprinisinta sila ni Dingdong Dantes sa media nung Huwebes ng Hapon sa Westin Philippine Plaza. Naging co-host ni Dingdong ang isang bagong talent ng GMA na nagngangalang Roseann Prieto.

Presentors ng Miss Asia Pacific Quest 2002 ang Lux Super Rich Shampoo, New Cream Silk, Close-Up, Pond’s. Major sponsors ang Club Panoly, Max Factor Mossimo. Minor sponsors ang AMA, Purefoods Fiesta Ham, Donors ang Alberto, Ocampo’s Jewelers, Ricky Reyes, The Spa, Westin Philippine Plaza at WG&A Super Ferry.
*****
Email: [email protected]

vuukle comment

A SUPER FERRY

AISHWARYA SUKHDEO

AKO

IKAW LANG ANG MAMAHALIN

MISS

MISS ASIA PACIFIC QUEST

MISS KOREA

WESTIN PHILIPPINE PLAZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with