^

PSN Showbiz

Cong. Ledesma dapat munang isipin ang mga anak

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Kung kailan naman kailangang magsalita ni Congressman Jules Ledesma dahil sa pagkakadukot sa dalawa niyang anak ay saka siya hindi maaaring magsalita dahil nakabingit sa kamatayan ang buhay ng kanyang mga supling.

Isang simpleng pagkakamali lang kasi ang mabitiwan ng kongresista sa pangyayaring ito ay maghuhudyat na ng panganib sa buhay ng mga bata, kaya hanggang maaari ay kailangang itikom ng pulitiko ang kanyang matabil na bibig.

Nang pumutok ang balitang sapilitang kinuha ng mga armadong lalaki ang mga anak ni Congressman Jules ay marami ang nagsabing gimik lang ang pangyayari para sa kanyang karerang pampulitika.

May mga nag-isip na gusto lang yatang mapag-usapan uli ng pulitikong ito, kaya pati ang ganu’ng uri ng kuwento ay kailangang paglaruan.

Pero totoo ang pangyayari, maraming taga-San Juan ang nagpapatunay na dinukot ng mga armadong lalaki ang mga anak ng kongresista, kaya hindi biru-biruan lang ang pangyayaring ito.

‘Yun na nga ang sinasabi namin, dahil sa sobrang hilig sa pagharap sa mga kamera ng telebisyon ng pulitikong ito, pati tuloy ang mga seryosong pangyayari sa kanyang buhay ay tinatrato pa ring gimik at publisidad lang ng ibang tao.

Totoong-totoo na nga ang pangyayari ay pinagdududahan pa, hindi nga kasi maganda ang mga unang buwan ng pagpasok sa showbiz ng pulitikong ito.

Hindi malaman ng mga nakakasaksi kung ano ba talaga siya ni Assunta de Rossi, karelasyon ba, manager, personal assistant (pinagandang termino para sa alalay), ano ba talaga?

Masyado kasi siyang eksenadora, sa maraming anggulo ng career ng sexy star ay palagi siyang nakikisawsaw, kaya pati ang mga pangyayari ng totoo at nag-iimbita ng pagsimpatya ay ginagawa pa ring katatawanan ng ibang tao.
* * *
Hiling namin na sana’y huwag namang malagay sa peligro ang buhay ng mga anak ni Congressman Jules, walang kasalanan ang mga bata kung may mga naiinis man sa kongresista, o kung may utang man siyang dapat pagbayaran sa ibang tao.

Hindi dapat ang mga anak ng pulitiko ang pagdiskitahan, napakababata pa ng mga ito para makatikim ng ganitong uri ng karanasan na hinding-hindi na mabubura pa sa murang isip ng mga bata.

Ngayon kailangang gamitin ng kongresista ang kanyang utak para huwag magtagal ang pagdurusa ng kanyang mga anak, ngayon niya kailangang kumilos nang tiyakan, dahil kapag nagdadaldal na naman siya nang kaliwa’t kanan ay manganganib ang buhay ng mga batang wala namang kamuwang-muwang.

Ngayon din kailangang suportahan ni Assunta ang kanyang asawa (ganu’n na kung tawagin ng sexy star ang pulitiko), walang pagkukunan ng lakas ng loob ngayon ang kongresista kundi si Assunta lang, bukod pa sa pamilya ni Jules.

Kalimutan na muna ng kongresista ang pakikialam sa career ni Assunta, huwag na muna niyang panghimasukan ang mga produksyong inaaway niya kapag late nang ipinapak-ap si Assunta sa syuting at taping nito, ang kailangang haraping problema ngayon ni Cong. Ledesma ay ang kapakanan ng kanyang mga anak.

Huwag na rin muna niyang pag-aksayahan ng oras ang paghahamon niya ng sapakan kay Alessandra de Rossi, huwag na muna siyang makisawsaw sa anumang uri ng intriga, dahil nandiyan ang kanyang mga anak na nanganganib ngayon ang buhay.

Sabi nga ng marami ay si Cong. Jules kasi ang nagbigay ng ideya sa mga kidnaper na milyonaryo siya dahil sa kapapainterbyu nila ni Assunta habang suot ng sexy star ang mga alahas na regalo niya, kaya ayan tuloy, ginawa siyang negosyo ng mga taong ayaw lumaban nang parehas sa buhay.

vuukle comment

ANAK

ASSUNTA

BUHAY

CONGRESSMAN JULES

CONGRESSMAN JULES LEDESMA

JULES

KAILANGANG

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with