^

PSN Showbiz

Rey Salamat, paborito ng mga artista

-
Noong last day shooting ng pelikulang Virgin People 3 na ginanap sa Barangay Famy, Siniloan, Laguna, nakakwentuhan ko ang pamosong make-up artist na si Rey Salamat. Nilagyan niya ng prosthetics si Richard Quan na kunwari ay nabaril sa eksena ng pelikulang nabanggit.

Marami ang humahanga kay Tito Rey. Simple lang siyang mag-make-up pero kapag natapos na, hahangaan mo. Ang star nga ng pelikulang Virgin People 3 na si Barbara Milano ay humahanga sa kanya.

Noong araw pa pala, panahon ng Premiere Productions ay nagme-make-up na siya. Ilan sa magagandang moviestars na make-up-an niya sina Edna Luna, Tessie Quintana, Nena Cardenas, Carol Varga at marami pang iba. Aniya, talagang beauty ang mga artista nun. Hindi uso ang retoke beauty. Matatangos talaga ang mga ilong ng artista. Magaganda ang boobs. At masarap makisama.

Enjoy si Tito Rey sa kanyang trabaho. Ma rami pa siyang trabahong tinatanggap. Si Fernando Poe, Jr. ang isa sa artistang hindi niya makakalimutan. Napakabait daw sa kanya at matulungin. Mahal ni FPJ si Tito Rey. Sana raw lahat ng artista ay makatulad ng ugali ng actor na hinahangaan ng lahat. – Vir Gonzales

vuukle comment

BARANGAY FAMY

BARBARA MILANO

CAROL VARGA

EDNA LUNA

FERNANDO POE

NENA CARDENAS

NOONG

PREMIERE PRODUCTIONS

TITO REY

VIRGIN PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with