^

PSN Showbiz

Barbara, feeling Kuh Ledesma

-
Twenty years na nawala sa showbiz si Zander Khan, isang sikat na singer noon na ngayon ay Mayor ng Jose Abad Santos, Davao del Sur. Ang naturang lugar ay isa sa pinakatahimik pero malapit ng maging maunlad na bayan.

Kamakailan ay nag-anyaya siya sa ilang taga-showbiz para pasinayanan ang 46th anniversary ng Jose Abad Santos.

Kasama sa naimbitahan niya sina Yoyoy at Hannagene Villame, Max Zurban at ang sexy star na si Barbara Milano. Dinagsa ang nasabing pagtitipon ng mga kababayan niya na nasiyahan sa pagdating nina Barbara.

Sabi ni Barbara, mababait ang mga tagahanga, walang nambastos, walang nananakit at walang nagsasalita ng masama. Masipag silang pumalakpak. Feeling Kuh Ledesma tuloy si Barbara pagkatapos kumanta dahil sa sobrang lakas ng palakpakan. Kaya nagpaunlak pa siya ng ilang awitin.

Superstar naman ang kumbinasyong Yoyoy Villame at Max Zurban, talagang kilalang-kilala sila roon.

Si Zander ay nakilala at nagpasikat ng awiting "Tanging Ikaw," "Baleleng" at iba pa. VG

vuukle comment

BARBARA MILANO

HANNAGENE VILLAME

JOSE ABAD SANTOS

KUH LEDESMA

MAX ZURBAN

SI ZANDER

TANGING IKAW

YOYOY VILLAME

ZANDER KHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with