^

PSN Showbiz

Sina Ray Ventura at Koko Trinidad sa video

-
Dalawa sa mga maipagmamalaki nating aktor hindi lang dito sa atin kundi sa ibang bansa man – sina Ray Ventura at Koko Trinidad – ay walang dudang malaking kawalan sa industriya. Ang kanilang pambihirang pagganap sa bawat karakter na iniaatang sa kanila ay talaga namang kahanga-hanga at maituturing na malaking kontribusyon sa pelikulang lokal. Ngayon, ang C-Interactive Digital Entertainment ay nagpupugay sa kanilang talento sa pamamagitan ng pag-release sa VHS at VCD format ang isa sa kanilang mga huling pelikula–ang Live By The Fist.

Sa international movie na ito na unang mapapanood sa video lamang, si Ventura ay si Father Zamora na naatasang samahan ang mga delegado ng Human Rights International sa pagpunta sa isang kontrobersyal na kulungan sa Bolera Island. Ang grupo ay pinangungunahan ng magandang si Helen Ferris (ginagampanan ng Amerikanang aktres na si Laura Albert) na nag-imbestiga sa mga anomalya at patayan na diumano’y nagaganap sa naturang kulungan na pinamamahalaan ng isang mala-demonyong warden (Vic Diaz). Ang impormasyon ay ipinarating ng prison doctor na ginagampanan naman ni Trinidad. Sa sumunod na pangyayari, sina Father Zamora at mga delegado ay naging bahagi ng isang brutal na laro na isinasagawa hindi lang sa loob ng kulungan kundi maging sa buong isla. At sa barbarong laro na ito, namamayani ang isang misteryosong martial arts expert. Pero siya kaya’y kakampi o kaaway?

Dahil sa world-class na pagganap dito nina Ventura, Trinidad, Diaz at iba pang local actors tulad nina Berting Labra, Roland Dantes at Ramon D’Salva, ang Live By The Fist ay dapat lang na panoorin ng mga Pilipino. Bida ang World Kickboxing champion na si Jerry "Golden Boy" Trimble, ang mga orihinal na kopya nito ay available na sa mga paboritong outlet sa buong kapuluan. Para sa katanungan, pakitawagan lang ang tel. nos. 2455011-12 (Manila), 032-4121948 (Cebu) at 082-2210405 (Davao). Zar Baisas

vuukle comment

BERTING LABRA

BOLERA ISLAND

C-INTERACTIVE DIGITAL ENTERTAINMENT

FATHER ZAMORA

GOLDEN BOY

HELEN FERRIS

KOKO TRINIDAD

LIVE BY THE FIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with