^

PSN Showbiz

G. Toengi, Vina Morales, hindi feel ang isa't isa

-
Lingid sa kaalaman ng lahat, may namumuong feud diumano ngayon between Vina Morales and G. Toengi. At ang dahilan, ang pagiging insecure raw nila ngayon sa isa’t isa ngayong iisa na ang manager nila?

Hindi raw feel ni Ms. Toengi na makasama at maging kapamilya si Vina sa management ni Mr. Joji Dingcong. At sa nangyayari pa, nagkakasulutan na rin daw sila ng projects?

"I really doubt it. Though hindi talaga kami gano’n ka-close ni G, pero wala namang problema sa amin. Kaya hindi totoo na may away or inggitan sa amin! At huwag na rin sanang ipilit pa!" paglilinaw naman kaagad ni Ms. Morales.

"Ang alam ko rin lang, concentrated ngayon si G. sa kanyang career sa international. Hindi rin gano’n ang pagkakakilala ko sa kanya para magselos or mainggit. Alam kong professional na tao siya. Kaya huwag n’yo na rin akong pag-react-in pa!" aniya pa.

Tinawanan din lang ni Vina ang isyung kaya siya lumayas sa poder ng dati niyang manager na si Mr. Dondon Monteverde is because pinipilit siyang mag-bold nito sa pelikula, dahilan para magkagalit sila?

"Truth is, nagkaka-usap pa rin kami ngayon ni Kuya Dondon. Maayos kaming naghiwalay. Nagkataon lang na gusto ko munang mag-concentrate sa singing career ko which I really loved most at naintindihan naman niya iyon.

"Kaya hindi totoo na dahil pinilit-pilit akong mag-bold or anything. Alam kong may mga offers before, pero ayaw ko talaga. Nakakahiya naman kay Kuya Dondon," paglilinaw pa rin niya.

Samantala, nabuhayan ng loob si Vina dahil ipapalabas na sa Nob. 1 ang movie nila ni Jinggoy Estrada under Millennium Cinema. Naurong ito dahil sa pagkakasangkot na rin ni Jinggoy sa jueteng scandal, bagay na di naman pinaniniwalaan ni Vina.—Robert Perez

vuukle comment

ALAM

JINGGOY ESTRADA

KAYA

KUYA DONDON

MILLENNIUM CINEMA

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with