Health tips na dapat mong malaman
1. Kung nararamdaman mo na natutuyo ang iyong mata, kumain ng isda kagaya ng salmon, mackerel, etc. Ang isda ay may omega-3 fatty acids na nagiging sanhi para magkaroon ng luha ang iyong mata. Ang taong mahilig kumain ng isdang mayaman sa omega-3 ay hindi nakararanas ng dry eyes.
2. Mainam na uminom ng fresh melon juice upang maiwasan ang “heavy flow” kapag may menstruation. Nagtatanggal din ito ng menstrual cramps.
3. Ang pagkain ng dalawang pirasong kiwi isang oras bago matulog ay mabilis makapagpaantok at nakakapagpahimbing ng tulog.
4. Huwag magsepilyo pagkatapos kumain. Ang acid na nanggaling sa mga kinain mo ay nagpapalambot ng iyong ngipin. Acid ang dahilan kung bakit lumulutong ang ngipin at mabilis nasisira. Kung magsesepilyo kaagad, kakalat at pupunta sa pinakailalim ng ngipin ang acid. Palipasin muna ang isang oras bago magsepilyo.
5. Pinya ang kainin kapag nagbo-bloating ka: lumolobo ang tiyan o nagbubutusin.
6. Ang cherries ay natural remedy sa sakit ng ulo.
7. Kapag namumula ang mata, kumain ng mayaman sa omega-3 at Vitamin C.
8. Stress ang resulta kapag kaunti lang ang kinakain mo dahil pinipigilan mong tumaas ang iyong timbang.
9. Sa paggamit ng sunscreen, hindi kailangan maging mataas ang SPF. Ayos na ang 50 SPF. Ang sunscreen lotion ay dapat iaplay sa balat kada isang oras, kahit pa gaano kataas o kababa ang SPF nito.
10. Ang best sleeping time ay mula 10:00 pm hanggang 4:00 am.
- Latest



















