^

Punto Mo

Maid of Honor (131)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PERO ang pinagtataka ko lang ay bakit hindi ako kinontak ni Rocky at pinaalam ang nangyari sa kanya,’’ sabi ni Honor kay Inah.

“Nag-iingat daw Kuya. At yun daw ang utos ng kanyang kapatid na police general.’’

“Sabagay.’’

“Natakot nga po ako nang biglang dumating si Kuya Rocky. Iniwasan ko po siya pero ipinaliwanag ang nangyari. Lahat daw po yun ay plano ng PNP para ganap na maubos ang sindikato ng prostitution na ang front ay POGO. Pero ngayon po ay wala nang problema dahil naubos na ang mga miyembro ng sindikato.’

“Yun nga ang sabi niya sa akin.’’

KINABUKASAN, paalis na sina Honor, Bianca at Yana patungong Maynila.

Kinausap ni Yana nang masinsinan si Inah.

“Ikaw na ang bahala rito, Inah. Dadalaw na lamang kami nina Kuya at Ate. Hindi ko naman sila maiiwan dahil malaki ang utang na loob natin sa kanila.’’

“Alam ko Yana. Ako na ang bahala kay Inay. Balak ko rin magpagawa nang maayos na bahay para sa kanila.’’

“Ikaw ang bahala, Inah. Mag-ingat kayo.’’

“Mag-ingat ka rin Yana.’’

Nagpaalam na si Yana sa ama at ina.

Umalis na sila.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with