^

Punto Mo

Maid of Honor (90)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NATUTUWA si Honor dahil naging masaya na si Yana nang ma-rescue ang kapatid na si Inah. Magkatulong ang dalawa sa trabahong bahay. Si Yana ang nagluluto, naghuhugas ng pinggan at nag-alalaga ng beybi. Si Inah ang ­naglilinis ng bahay, naglalaba at tinutulungan din si Yana sa pag-aalaga ng baby.

Napapangiti si Honor kapag nakikita ang dalawa na gumagawa sa bahay.

Naging dalawa ang kasambahay nila at magaganda pa! Bihira ang ganito na may kambal na katulong. Ano kaya at tuluyan na nilang kunin na kasambahay si Inah? Pumayag kaya? Baka mas gusto pa nito sa probinsiya dahil mas ligtas dun?Isa pa gusto nitong makita ang mga magulang.

Nasa ganun siyang pag-iisip nang biglang lumapit sa kanya si Bianca at tinapik siya sa braso.

“Anong iniisip mo, Honor?’’

“Ha? A e kuwan,  ano kaya at kunin na rin nating maid si Inah? Para masaya lagi si Yana. Tingnan mo at ang saya nila.’’

“Naisip ko rin yan. Tutal naman ay may ipasusuweldo tayo e di kunin na natin.’’

“Pero tanungin muna natin si Inah at baka mayroon siyang ibang plano. Malay mo, baka balak niyang mag-abroad—mag-DH sa Kuwait.’’

“Naku, delikado sa Kuwait. Nirereyp ang Pinay dun e ang ganda pa naman ni Inah.’’

“Oo nga, dito na na lang siya.’’

“Tatanungin ko si Inah kung payag siya,’’ sabi ni Bianca.

“Pero mas maganda kung makauwi muna siya sa probinsiya at makita ang mga magulang.’’

“Pero hindi natin siya puwedeng ilabas di ba? Baka makita siya ng sindikato e patayin siya.

“Oo nga. Sana mahuli na ang lider ng sindikato.’’

“Tatawagan daw tayo ni Rocky.’’

“Sana may development na para nakakahinga nang maluwag si Inah.”

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with