^

Punto Mo

EDITORYAL - Nakahanda ba sa ‘The Big One’?

Pang-masa
EDITORYAL - Nakahanda ba sa �The Big One�?

MAGNITUDE 7.4 na lindol ang tumama sa Taiwan noong Miyerkules ng umaga na ikinamatay ng siyam katao. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa ang paghahanap sa mga na-trapped sa gusali. Ayon sa report ng National Fire Agency ng Taiwan, 130 katao pa ang hinahanap.

Tatlong overseas Filipino workers (OFWs) ang nasugatan sa lindol, ayon sa Manila Economic and Cultural Office (MECO). Tinatayang nasa 159,000 ang OFWs sa Taiwan at nagtatrabaho bilang factory workers.

Ang nangyaring lindol sa Taiwan ay maaring mangyari rin sa Pilipinas anumang oras. Noong Hulyo 16, 1990, tumama ang magnitude 7.7 na lindol sa Luzon na ikinamatay nang mahigit 2,000 katao. Grabeng tinamaan ang Baguio City. Karamihan ay natabunan ng mga gumuhong gusali.

Noong Agosto 2, 1968, niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Luzon at naguho ang anim na palapag na Ruby Tower sa Maynila na ikinamatay ng 322 katao. Nasa 30 gusali ang nawasak.

Anumang oras posibleng tumama ang lindol sa Pilipinas sapagkat napapaligiran ito ng “ring of fire” at mga aktibong bulkan. Walang babala kung kailan lilindol kaya nararapat paghandaan ng mamamayan.

Babala ng Phivolcs, kapag lumindol ng 7.2 magnitude sa Metro Manila, posibleng mamatay ang 34,000 katao at 114,000 ang masusugatan. Ito ang sinasabi nilang “The Big One” na iniuugnay sa West Valley Fault at pinag-aralan noon pang 2004. Ang pag-aaral sa “The Big One” ay nakasaad sa Earthquake Impact Reduction Study for Metro Manila na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ang mga tanong ngayon: handa ba ang mamamayan ng Metro Manila sa pagtama ng “The Big One”? May plano na ba ang pamahalaan ukol dito? Saan mag-e-evacuate ang mga tao kapag tumama ang “The Big One”? Mayroon bang gagabay sa mga tao kung saan pupunta o magdaraan sa sandaling tumama ang lindol? Hindi kaya dahil sa kawalan ng kaalaman ng mga tao sa lindol ay marami ang mamatay?

Mahalaga na magkaroon ng paghahanda. Magdaos ng regular na earthquake drill sa mga eskuwelahan, mga ospital at mga tanggapang pribado at publiko. Dapat ding inspeksiyunin ang mga gusali para matiyak kung kakayanin pa ng mga ito ang magnitude 7.7 o mas malakas pa.

Huwag naman sanang mangyari pero kung hindi magkakaroon ng paghahanda o hindi maihahanda ang mamamayan sa “The Big One” marami ang mamamatay. Simulan ang pagsasanay sa pagtama ng lindol at baka dumating ito kara-karaka.

vuukle comment

EARTHQUAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with