^

Punto Mo

Puwede bang habulin sa utang ng namatay na kapatid?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Namatay po ang aking kapatid anim na buwan na ang nakararaan. Natuklasan po namin na may hindi pala siya nabayarang utang sa credit card. Gusto ko lang po sanang malaman kung puwede ba kaming habulin ng banko para sa utang na naiwan niya. —Amanda

Dear Amanda,

Maari lamang habulin mula sa estate o sa mga naiwang ari-arian ng namayapa ang pambayad para sa utang na kanyang naiwan.

Maaring madamay kayong mga kamag-anak sa singilan ng utang kung may mga nakuha kayo mula sa mga ari-arian ng namatay at hawak n’yo na o nailipat na ang nga titulo nito sa inyo.

Sa ganyang sitwasyon, maari kayong habulin para bayaran ang utang pero hindi pa rin lubos ang inyong magiging pananagutan. Limitado lamang sa halaga ng mga ari-ariang naiwan ang maaring singilin ng pinagkakautangan.

Kaya kung halimbawa ay nasa P50,000 lang pala ang naiwang ari-arian ng iyong kapatid ay hanggang sa P50,000 lang ang maaring singilin kahit pa P100,000 ang talagang pagkakautang sa kanya.

Kung wala namang properties ang iyong kapatid nang siya ay namayapa, hindi kayo obligadong mga kamag-anak na sagutin ang kanyang naiwang utang lalo na kung wala naman kayong napala o nakuha mula sa kanyang mga naiwang ari-arian.

vuukle comment

DEBT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with