^

Punto Mo

Ang ‘kubol’, bow!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan na naman ang mga ‘kubol’ na yan sa mga pambansang piitan.

Ipinag-utos nga ni Bureau of Correction director general Gregorio Catapang Jr. ang pagbaklas sa mga kubol sa mga bilangguang nasa ilalim ng bureau.

Nasa 60 kubol ang kusa umanong giniba ng mga preso sa security housing building 1 at 6 New Bilibid Prison (NBP) North, SHB 9 NBP East Quadrant 4 at SHB 7 NBP West Quadrant 2, habang ang pagbuwag ng kubol sa Quadrant 3 ay nagpapatuloy pa na matatagpuan naman sa maximum security compound.

Bahagi umano ito sa kampanya para malabanan ang mga ipinapasok o itinatagong kontrabando sa mga piitan.

Nakapagtataka nga lamang na hindi na matapus-tapos ang isyu na yan sa mga ‘kubol’.

Tanong nga ng marami, bakit hanggang ngayon meron pa nyan.

Hindi ba’t matagal nang sinasabi ng mga naunang naupo dyan sa BuCor na matagal nang dinemo­lish ang mga kubol na yan na siyang pinagmumulan nga ng mga ilegal na aktibidades at kontrobersiya .

Panahon pa ni dating DOJ Secretary Leila de Lima, maingay na ang mga kontrobersiya sa mga kubol na yan sa Bilibid at ngayon nga eh problema pa rin pala.

Duda nga ng ilan, baka naman sadyang pinapaingay na lang ang tungkol sa mga kubol na ito sa Bilibid, para mapagtakpan ang ilang isyu at kontrobersiya pa na nagaganap sa kasalukuyan.

Isa nga dyan ang tungkol sa isang iniulat na nawawalang preso.

Nung una hinihinala raw na buto nito ang natagpuan sa septic tank sa loob ng compound.

Di naglaon, hindi naman pala buto ng tao ang narekober na mga buto kundi buto ng aso. Agad-agad na pinangalandakan na marami pang bangkay ng preso ang posibleng itinapon sa iba’t ibang septic tank sa Bilibid.

Ilang araw pa lang ang nakalipas, ayun buhay pala ang nawawalang bilanggo.

At ang masaklap pa nga ang paraan ng pagpuga nito.

Sumabay daw ito sa paglabas ng mga dalaw dahil sa takot sa banta sa kanyang buhay sa loob.

O di ba, biruin mong masalisihan ang mga nagbabantay.

Walang kahirap-hirap na nakalabas ang bilanggo.

Ibig lang sabihin nito, naganap ang malaking kapabayaan sa panig ng bantay kaya nakalabas ang binabantayan.

Sa magkakasunud na namang kontrobersiya na nagaganap sa Bilibid baka marapat na mas istrikto pang mga panuntunan at pamamalakad ang maipatupad.

Huwag muna kasi puro dada, dapat may kalakip itong gawa.

vuukle comment

NBP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with