^

Punto Mo

Magsasaka sa China, sinubukang mag-alaga ng mga baka sa terrace ng kanyang apartment!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG magsasaka na nagngangalang Mr. Li ang ini­reklamo ng kanyang mga kapitbahay matapos itong mag-alaga ng limang baka sa terrace ng kanyang 5th floor apartment!

Ayon sa report, nagmula sa bukid si Mr. Li at kali­lipat lamang niya sa apartment sa isang siyudad sa Sichuan Province.

Sa unang araw ng paninirahan ni Mr. Li sa apartment noong Hulyo 14, ang unang napansin ng kanyang mga kapitbahay ay ang maingay na atungal ng mga baka at mabahong amoy ng dumi nito.

Nang sinubukang hanapin ng mga residente kung saan nanggagaling ang ingay at masamang amoy, nagulantang ang mga ito nang makitang may limang baka sa terrace ng apartment unit ni Mr. Li.

Tumawag sa awtoridad ang mga tenant ng apartment. Mabilis na dumating ang mga urban management officials at agad inalis ang limang baka.

Ayon sa mga opisyal na rumesponde, may bigat na 10 to 20 kilos ang bawat baka kaya nagtaka sila kung paano naiakyat ni Mr. Li ang mga ito nang walang nakakapansin samantalang walang elevator ang apartment.

Sa kasalukuyan, hindi pinatawan ng parusa si Mr. Li sa kanyang ginawa. Ngunit hinigpitan na ng ma­nagement ng apartment ang pagbabantay dahil napa­balitang sinubukan muling ipuslit at iakyat ni Mr. Li ang mga baka sa kanyang unit.

vuukle comment

COW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with