^

Punto Mo

Sori ‘di sapat, dapat may managot!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ikinakasa na ang internal investigation sa nag-viral na   ‘sexy dance’ scandal sa isang okasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakailan, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Bukod pa ito sa isinusulong na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan.

Nabulabog sa pangyayaring ito ang NBI, matapos nga ang isinagawang command confe­rence ng bureau sa isang hotel sa Maynila kamakailan.

Nagsori na rin naman dito si NBI chief Medardo De Lemos, pero mukhang hindi ito sapat lalo na sa women’s group na nagsabing mistulang pambabastos sa kababaihan ang pangyayari.

Mas lalo pa nga sa ahensiyang isa sa humahawak sa mga sex scandal cases ng mga kababaihan at sexual exploitation ng mga kabataan.

Hirit ng ilang mambabatas, hindi sapat ang sori kundi kailangang magpatupad ng balasahan dahil sa iskandalong naging dulot nito. 

Sa panig ni Remulla, tukoy na umano niya ang opisyal na siyang nag-imbita sa entertainers sa naturang event, pero hindi naman niya pinangalanan.

Iniintay lamang umano niya ang written explanation nito, maging ang resulta ng isasagawang imbestigasyon.

Wala rin umanong pondo ng ahensya na ginamit na ibinayad  sa tatlong dancer. ‘voluntary contribution ‘ lang umano ang ipinambayad sa mga ito.

Pero mukhang marami ang hindi makapaniwala dito, kaya nga mas nais nila ang malalim na  imbestigasyon.

Hindi na umano nagpatumpik-tumpik pa sa pag-aksyon ang DOJ.

Kung gaano umano kabilis ang mga naging pagbubunyag nila sa ibang mga kontrobersiyal na kaso, dapat umanong mabilis ding sibakin at panagutin ang promotor sa insidenteng ito na naglagay  sa ahensya sa balag ng alanganin.

vuukle comment

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with