^

Punto Mo

Paglipat sa ­kalabang kompanya, ­ipinagbabawal nga ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Totoo po ba ang sinabi ng HR namin na bawal daw ang mga empleyado na lumipat sa ibang kompanya na may katulad na negosyo ng employer namin ngayon? —Reg

Dear Reg,

Hindi lahat ng empleyado ay bawal lumipat sa kalabang negosyo ng kasalukuyan niyang employer. Ipinagbabawal lamang ito kung may tinatawag na non-compete clause sa employment contract. Basahin mo ang employment contract mo kung may nakalagay ba roon na pagbabawal sa iyo na magtrabaho sa ibang kompanya na nasa kaparehong linya ng negosyo ng kasalukuyan mong employer.

Ayon sa Korte Suprema sa kaso ng Tiu v. Platinum Plans Phils. Inc. (G.R. No. 163512, 28 February 2007), hindi ipinagbabawal ang mga non-compete clause basta malinaw kung gaano katagal ang pagbabawal sa empleyado, kung para sa anong industriya ito, at kung para lamang ba ito sa isang partikular na lugar. Dapat din ay hindi labis ang itatagal ng nasabing pagbabawal.

Kung malinaw naman ang pagbabawal na nakasaad sa non-compete clause at makatwiran naman ang tagal nito, may obligasyon ang empleyado na sundin ito dahil malaya naman siyang pumayag sa nasabing kondisyon nang pinirmahan niya ang kanyang employment contract.

vuukle comment

EMPLOYEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with