^

Punto Mo

Payo sa pakikipagrelasyon  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. HUWAG mong aksayahin ang iyong buhay sa partner na seloso. Dalawang bagay ang pagpipilian mo: 100 percent na pagtitiwala sa isa’t isa o hiwalayan mo siya.

2. Kapag nadama mo na iniiwasan ka ng ilang beses, tumigil ka na sa kahahabol at huwag na siyang istorbohin kahit kailan.

3. Imposibleng magkaroon ka ng healthy relationship sa isang tao kung ikaw mismo ay may toxic relationship sa iyong sarili.

4. Bago maghanap ng “right person”, magpokus ka muna na maging “right person” sa taong hinihintay mong dumating sa iyong buhay.

5. Kung gusto ka talaga ng isang tao, mararamdaman mo ‘yun nang malinaw sa iyong puso. Ngunit kung nalilito ka, mas malamang na wala siyang gusto sa iyo.

6. Dapat ay mas higit ang pagmamahal mo sa iyong sarili kaysa kagustuhan mong ibigin ka ng isang tao. Kasi kung minsan, sa sobrang pagkahaling mo sa isang tao, at sa kagustuhang maakit mo siya, nakakalimutan mo na ang iyong dignidad.

7. Nakakahawa ang inuugali ng mga taong lagi mong nakakasama  kaya maging mapili sa mga taong papapasukin mo sa iyong buhay.

8. Panatilihin mong mataas ang iyong standard sa pagpili ng makakasama habang buhay. Huwag magtiyaga sa “puwede na” dahil wala nang pagpipilian. Mas mainam na maging “single” for life kaysa mapapunta sa “palpak” na partner na magiging dahilan ng pighati mo sa buhay.

vuukle comment

RELATIONSHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with