^

Punto Mo

80-anyos na lolo, pinakamatandang football player sa buong mundo!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 80-anyos na lalaki sa Australia ang naka­pagtala ng world record sa pagiging pinakamatandang football player sa buong mundo!

Kinumpirma ng Guinness World Records na si David­ Mudge, na nagdiwang ng kanyang 80th birthday noong nakaraang Enero 25 ay may edad na 79 years and 89 days old nang lumahok siya sa Northern Suburbs Football Association match para sa kuponang Kissing Point Football Club laban sa North Turramurra.

Naisipan na mag-apply ni Mudge para sa world record title matapos niyang malaman na ang previous record holder sa titulong “World’s Oldest Compe­titive Soccer Player” ay may edad lamang na 73.

Ayon sa mga tagapamahala sa Guinness, pasok sa kanilang mga guidelines ang pinasang requirements ni Mudge, isa na rito ay ang participation niya sa isang full 90-minute game.

Nagsimulang ma­ging football player si Mudge noong 1958 nang sumali siya sa Northern Suburbs Foot­ball Association.

Taong 1974 naman siya napabilang sa kasalukuyang team niya na Kis­sing Point Football Club. Bukod sa pagi­ging football player, naging club president at treasurer din siya nito. May panahon din na siya ang namahala ng canteen at barbecue ng club.

Natutuwa at proud sa sarili si Mudge dahil bukod sa napabilang siya sa Guinness Book of World Records, isa siya sa nagpatunay na ang edad ay hindi hadlang sa mga pangarap sa buhay.

vuukle comment

FOOTBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with