^

Punto Mo

EDITORYAL - Swimming pool sa NBP at iba pa

Pang-masa
EDITORYAL - Swimming pool sa NBP at iba pa

MALALIM ang ginawang hukay sa compound ng New Bilibid Prison (NBP) na katumbas ng siyam na palapag na gusali. Malapit ang hukay sa bahay na tinitirhan ng suspendidong Bureau of Corrections­ (BuCor) chief Gerald Bantag. Si Bantag at ang deputy nito na si Ricardo Zulueta ang itinuturong master­mind sa pagpatay sa beteranong broadcaster na si Percy Lapid noong Okubre 3 at ng middleman na si Jun Villamor. Itinanggi naman ni Bantag ang akusasyon. Hindi pa lumulutang ang deputy ni Bantag.

Mismong ang bagong BuCor chief na si ret. General Gregorio Catapang Jr. ang nakadiskubre sa hukay at agad niyang ipinag-utos ang imbestigasyon ukol dito. Hindi siya makapaniwala na may malalim na hukay sa compound ng NBP. Una niyang inakala na lagusan ito palabas ng NBP.

Inamin naman ng suspendidong si Bantag na gagawing swimming pool ang malalim na hukay. Gagamitin umano ito ng mga scuba enthusiast na katulad niya. Isa raw siyang mahusay na scuba diver.

Taliwas naman ito sa sinabi ni Justice secretary Crispin Remulla. Ang hukay daw ay ginawa para sa paghahanap ng Yamashita treasure. Hindi raw ito para gawing swimming pool gaya nang ipinahayag ni Bantag. Ayon kay Remulla, hindi niya alam kung may nakuha nang Yamashita treasure sa ginawang paghuhukay. Ang Yamashita treasure ay kinabibila­ngan ng mga kayamanang kinulimbat ni Japanese General Tomuyuki Yamashita nang sakupin ang Pili­pinas noong 1942-1945. Ibinaon umano ang kayamanan sa iba’t ibang bahagi ng bansa gaya ng Baguio.

Nararapat malaman ang katotohanan sa mga nag­lalabasang kontrobersiya sa NBP. Kailangan ba ang swimming pool sa NBP? Hindi ba’t ang layunin ng BuCor ay para sa kapakanan ng mga nakabilanggo­ at kung paano maitatama ang kanilang buhay para kung lumaya ay mayroon silang kakayahang makahalubilo sa pamayanan. Ano ang maitutulong ng swimming pool sa mga bilanggo? Pansariling kapa­kanan ang nakikita sa pagpapagawa nang malalim na swimming pool. Libangan ang hanap.

At sa Yama­shita treasure, kung totoo ang sinabi ni Remulla, hindi si Bantag ang dapat namuno sa BuCor dahil pagmimina ng kayamanan ang hanap niya. Mara­ming dapat ipaliwanag ang suspendidong BuCor chief.

vuukle comment

POOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with