^

Punto Mo

Babae sa South Africa, nakatanggap ng Guinness nang makapagtimpla ng 249 tasa ng tsaa sa loob ng 1 oras!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKAPAGTALA ang South African woman na si Ingar Valentyn ng bagong world record matapos siyang makapag­timpla ng 249 tasa ng roobois tea sa loob lamang ng isang oras.

Sa kanyang world record attempt, pinili ni Valentyn ang roobois tea dahil isa itong native tea na nagmula sa South African Aspalathus linearis shrub. Inihanda niya ang tsaa para ipainom sa mga estudyante at residente ng Wupperthal.

Upang matalo niya ang previous record holder, kailangang 150 tasa ang matimplang tsaa ni Valentyn. Pagkatapos ng kanyang record attempt, ikinagulat niya na lumampas pa rito ang kanyang nagawa at umabot ng 249 na tasa ang kanyang natimpla.

Ang record attempt na ito ay ginawa ni Valentyn upang i-promote ang turismo ng Wupperthal.

vuukle comment

TEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with