^

Punto Mo

Babae sa Colombia, namatay matapos mabilaukan ng sariling pustiso!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa Colombia ang namatay matapos malunok ang kanyang pustiso habang natutulog.

Ayon sa ulat ng mga local news agencies sa Armenia region sa Colombia, natulog ang 48-anyos na si Maria Farias Guzman nang hindi inaalis ang kanyang dentures o pustiso. Habang natutulog, aksidenteng natanggal mula sa pagkaka­kabit ang pustiso sa kanyang bibig at nalunok niya ito. Bumara ang pustiso sa kanyang lalamunan na naging dahilan para hindi siya makahinga.

Nakarinig ang mga kaanak ng kakaibang ingay na nanggagaling sa kuwarto ni Guzman ngunit huli na ang lahat nang sinubukan nilang katukin ito dahil hindi na ito humihi­nga. Sa salaysay ng mga kaanak sa mga awtoridad, kahit narinig na nila na may kakaibang ingay mula sa kuwarto ni Guzman, hindi nila agad ito pinuntahan dahil akala nila ay humihilik lang ito.

Isinugod si Guzman sa ospital ngunit hindi na ito nailigtas. Idineklara na “respiratory tract obstruction” ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Hindi pangkaraniwan na cause of death ang mabilaukan sa pustiso kaya mara­ming Colombian netizens ang nagulantang sa balitang ito. Sa kasalukuyan, hindi pa inilalabas ang full forensic report sa pagkamatay ni Guzman.

vuukle comment

COLOMBIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with