^

Punto Mo

Babae sa U.S., natuklasan na ang tumor sa kanyang obaryo ay may ngipin at buhok!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ILANG taon nang sinusubukan ng 28-anyos na si Jaimi Conwell ang magbawas ng timbang ngunit kahit anong subukan niyang diet at pag-eehersisyo ay bigo siyang pumayat.

Nang napansin niya na lalo pang nadadagdagan ang kanyang timbang kahit dalawang beses na siyang mag-workout sa isang araw, naisipan na niyang magpati­ngin sa doktor.

Matapos magpa-laboratory tests at checkup, natuklasan na may napakalaking tumor na bumabalot sa kanyang right ovary.

Agad na pumayag sumailalim sa surgery si Conwell upang alisin ang tumor kahit pa kasama sa tatanggalin ay ang kanyang kanang obaryo.

Naging matagumpay ang operasyon at natuklasan na ang tumor na nakuha sa kanya ay tinatawag na Teratoma Tumor. May bigat na siyam na kilo ang tumor at tinutubuan na ito ng ngipin at buhok!

Ayon sa doktor ni Conwell, ang ovarian teratoma ay mula sa germ cells na may kakayahang magkaroon ng buhok, ngipin at buto.

Sa kasalukuyan, ­nakarekober na sa operasyon si Conwell at naging madali na para sa kanya ang magbawas ng timbang

 

vuukle comment

TUMOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with