^

Punto Mo

Babae sa U.K., pinakasalan ang alagang pusa upang hindi palayasin ng landlord na ipinagbabawal ang pets!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 49-anyos na babae sa United Kingdom ang pinakasalan ang alagang pusa sa isang civil ceremony upang hindi ito palayasin ng landlord sa apartment!

Sa ilang taon na pangungupahan ni Deborah Hodge, tatlong beses na siyang nagpaampon ng mga alagang hayop dahil ang mga apartment na kanyang tinitirahan ay pinagbabawal ang mga ito.

Dahil sa takot na mawalay sa kanyang alagang si India, nagdesisyon siyang pakasalan ito upang makita ng kasalukuyan niyang landlord kung gaano siya ka-committed sa alaga niyang pusa.

Naganap ang wedding sa isang public park sa south-east London at ang nagkasal sa kanila ay kaibigan ni Hodge na isang legally ordained wedding officiant.

Sa kasalukuyan, hinihintay pa ni Hodge ang desisyon ng kanyang landlord kung papahintulutan na nitong tumira sa apartment si India.

vuukle comment

PET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with