^

Punto Mo

Lalaki sa U.S., aksidenteng nasinghot ang drill bit ng kanyang dentista!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGPAPADENTISTA ang 60-anyos na si Tom Jozsi ng Illinois nang aksidenteng nasinghot niya ang dental drill bit ng kanyang dentista!

Nagpapalagay ng tooth filling o pasta si Jozsi nang makaramdam siya ng pag-ubo. Hindi niya alam, nasinghot na pala niya ang one inch drill bit at dumiretso ito sa kanyang lungs.

Ayon sa pulmonologist ni Jozsi na si Dr. Abdul Hamid Alraiyes, napunta sa ibaba ng kanang baga ang drill bit at naging dahilan ito para umubo ang pasyente na may kasamang dugo.

Sumailalim sa emergency procedure si Jozsi at na-retrieve ang drill bit sa pamamagitan ng robotic bronchoscopy, isang technique na gumagamit ng manipis na catheter para ma-detect ang mga tiny lung cancer nodules.

Umabot ng 90 minutes ang operasyon at naging successful ang mga doktor na makuha ang drill bit. Walang natamong damage sa lungs si Jozsi at nakauwi rin siya matapos ang procedure.

Sa kasalukuyan, magaling na si Jozsi at itinago niya ang drill bit bilang souvenir.

vuukle comment

DENTIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with