21-anyos na chihuahua, tinaguriang pinakamatandang aso sa buong mundo!
KINUMPIRMA ng Guinness World Records na ang chihuahua sa Florida, U.S.A. na si TobyKeith ang “Pinakamatandang Aso sa Mundo” sa edad na 21.
Ayon sa nag-aalaga kay TobyKeith na si Gisela Shore, inampon niya ang aso sa isang animal shelter noong tuta pa lamang ito.
Volunteer noong 2001 si Shore sa Peggy Adams Animal Rescue at inalok siya ng mga staff nito na ampunin ang chihuahua na dating alaga ng isang senior citizen. Hindi nag-atubili si Shore na ampunin ang chihuahua at pinangalanan niya itong TobyKeith.
Ang mga chihuahua ay may lifespan na 12-18 years old kaya nang umabot ng taong 2022 si TobyKeith, nagkaroon ng haka-haka si Shore na ang alaga niya ay maaaring ang pinakamatandang chihuahua sa buong mundo.
Nag-apply ng Guinness World Record si Shore para sa kanyang alaga. Sa pamamagitan ng DNA testing, nakumpirma ng Guinness na ang edad ni TobyKeith ay 21 taon at 66 araw.
- Latest