^

Punto Mo

Babae sa tunisia na inakalang may urinary tract infection, natuklasang may nakabarang baso sa kanyang pantog!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGULAT ang ilang doktor sa Tunisia nang matuklasan nila na ang babaing pasyente na nagpapagamot sa kanila na may urinary tract infection (UTI) ay may babasaging baso na nakabara sa pantog nito!

Ang 45-anyos na babae ay natuklasang apat na taon nang may nakabarang baso sa kanyang pantog (urinary bladder) matapos gamitin ito bilang sex toy.

Ayon sa babae, nang hindi na niya makuha ang baso sa kanyang ari, hindi agad siya humingi ng tulong sa mga doktor dahil sa kahihiyan. Dahil dito, tumagal ng apat na taon ang baso sa loob ng kanyang pantog na kalaunan ay napalibutan na ng bladder stone!

Sa loob ng apat na taon, nakaranas siya ng paulit-ulit na UTI at nang lumala na ito ay saka lang siya nagpatingin sa mga doktor ng Habib Bourguiba University Hospital sa siyudad ng Sfax.

Agad siyang sumailalim sa surgery matapos makita sa x-ray na may malaki siyang bato o bladder stone.

Nang makuha ang bladder stone na may laking 8cm by 7cm by 8cm, nagulat ang mga doktor na may lamang babasaging baso ito sa loob! Saka lamang umamin ang babae kung bakit siya nagkaroon ng baso sa pantog.

Makaraan ang dalawang araw, mabilis na naka-recover ang babae at na-discharge agad ito sa ospital.

vuukle comment

URINARY TRACT INFECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with