^

Punto Mo

Magkapatid na babae sa India, nagpanggap na mga lalaki upang ipagpatuloy ang barbershop ng amang may sakit!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINANGAAN at pinarangalan sa India ang magkapatid na sina Jyoti Kumari at Neha dahil sa kanilang tapang at determinasyon matapos matuklasan na nagpanggap silang mga lalaki sa loob ng apat na taon upang mapanatiling bukas ang barbershop ng kanilang ama.

Matapos ma-paralyze at tuluyang naging bedridden ang kanilang ama dahil sa malubhang karamdaman, ipinagpatuloy nina Jyoti at Neha ang pagpapatakbo ng barberya na itinayo ng kanilang ama sa Banwari Tola, Uttar Pradesh state.

Nagpaikli sila ng buhok at nagsuot ng damit panlalaki. Pinalitan din nila ang kanilang pangalan. Si Jyoti ay naging si Deepak at si Neha ay Raju.

Alam ng kanilang mga kapitbahay ang pagbabalatkayo nila pero ang kanilang mga customer na nagmula sa mga karatig lugar ay walang kaalam-alam na mga babae sila.

Dahil may angking galing ang magkapatid sa paggupit ng buhok, nagkaroon sila ng mga regular na customers at kumi­kita sila ng sapat upang mabuhay ang kanilang pamilya.

Sa loob ng apat na taon na pagpapanggap, unti-unti silang umamin sa kanilang mga suki at buong puso namang tinanggap ng mga ito ang totoo nilang pagkatao. Sa ngayon, karamihan ng kanilang customers ay alam na sina Jyoti at Neha ay mga babae.

Matapos malathala sa isang diyaryo ang kuwento ng magkapatid, nakatanggap sila ng parangal mula sa local officials ng kanilang lugar.

Noong 2020, nag-produce ang Indian TV channel na Sony SAB ng TV series na inspired sa life story ng magkapatid at pinamagatan itong Kaaletal & Sons.

 

 

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with