^

Punto Mo

Masasampahan ba ako ng libel?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Masasampahan po ba ako ng libel kung nag-comment lang naman ako sa Facebook na sa tingin ko ay ang kapitbahay ko ang nagkakalat ng paninira sa aming lugar? Umamin na rin naman siya minsan sa barangay na madalas talaga siyang nakikipagtsismisan. Makakasuhan po ba ako kahit nilagay ko na sa tingin ko lang naman ang sinabi ko? —Mari

Dear Mari,

Lahat tayo ay may karapatang magsampa ng reklamo kung sa tingin natin ay naagrabyado tayo. Kaya sa tanong mo na kung masasampahan ka ba ng kasong libel, nasa kapitbahay mo lamang ang pagpapasya kung sa tingin niya ay nasira ang kanyang pangalan o dangal dahil sa iyong comment sa social media.

Ibang usapan naman kung mapapatunayan niyang libelous nga ang nilalaman ng iyong naging comment. Mayroong online libel kapag naglathala ang sinuman sa pamamagitan ng Internet ng malisyosyong pagbibintang ng krimen, o anumang depekto, kondisyon, o kalagayan, na nagdudulot ng pagkasira ng puri o pagkapahiya ng iba.

Mahalaga lang tandaan na hindi mo maaring asahang depensa ang sinasabi mong minsang “pag-amin” ng iyong kapitbahay sa barangay na siya ay nakiki­pagtsismisan. Umamin man siyang tsismosa o hindi, pagbibintang pa rin na ma­ituturing ang iyong comment na siya ay nagkakalat ng paninira sa inyong lugar. Mahirap ding idahilan na “sa tingin mo” lang ang iyong isinulat dahil hindi pa rin maaalis na isa pa rin itong pagbibintang.

Sa huli, ang titingnan lamang ng piskalya o korte ay kung ang iyong isinulat na comment ay malisyoso at kung nagdulot ba ito ng pagkasira ng puri o pagkakapahiya ng iyong kapitbahay.

vuukle comment

LIBEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with