^

Punto Mo

Ang padalang tulong ng demonyo

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NANAWAGAN sa isang local radio station ang isang matandang babae na biktima ng bagyo para sa mga pagkain at tubig na kailangan ng kanyang pamilya. Nagkataong nakikinig ang isang mayamang lalaki na isang atheist at naisip niyang biruin ang kawawang babae. Isinulat niya ang address nito na sinabi sa bahagi ng kanyang panawagan. Kumuha siya ng maraming de lata, tubig at iba pang masasarap na pagkain sa kanyang bodega na istakan ng mga pagkain. Inilagay ito sa malaking kahon. Tinawag niya ang sekretarya.

Ihatid mo ang mga relief goods na ito sa address na isinulat ko sa kahon. Magpahatid ka sa aking driver.

Sir, sasabihin ko ba ang inyong pangalan kapag itinanong ng recipient kung sino ang nagbigay?

Huwag. Sabihin mo na lang na galing ‘yan sa demonyo.

Bakit ho? Nangalisag ang balahibo ng sekretarya.

Para maisip nila na walang Diyos. Naiinis ako sa mga tao na kapag may dumating sa kanilang tulong, ang iniisip kaagad nila ay tinulungan sila ng Diyos. Lagi na lang ang Diyos na ‘yan ang nabibigyan ng kredito ng mga tao.

Tuwang-tuwa ang matandang babae at pamilya nito nang tanggapin ang maraming pagkain. Matapos magpasalamat sa sekretarya ay saka lang naalaalang itanong kung kanino galing ang mga pagkain.

Sa…sa… demonyo po.

Sa halip na magulat at mangilabot ang matanda, ito ang nasabi niya sa sekretarya: Nagpapatunay lamang na ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa buong sanlibutan. Biruin mo, napasunod niya pati ang demonyo para padalhan kami ng pagkain!

vuukle comment

EVIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with