^

Punto Mo

Text na nagsasabing may kasong estafa, totoo ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nakatanggap po ako ng text mula na nagsasabing may estafa case raw ang magulang ko at kailangan kong tawagan ang nakalagay na numero roon ng clerk of court para hindi na raw kami maiskandalo. Number ko po kasi ang ibinigay ng aking nanay sa inutangan niya. Totoo po ba ang nakalagay sa text o scam lang po ba ito.  — Rem

Dear Rem,

Totoo mang may utang o wala ang inyong magulang, masasabing may bahid pa rin ng panloloko ang text na natanggap mo dahil hindi naman nagpapadala ng notice ang korte sa pamamagitan ng text.

Kung ikaw ay kinasuhan, malalaman mo ito sa pamamagitan ng subpoena mula sa prosecutor’s office o summons, depende kung criminal o civil ang kasong nakasampa.

Ipinapadala ang subpoena o summons at iba pang opisyal na mga dokumento mula sa korte sa pamamagitan ng personal na paghahatid nito o sa pamamagitan ng post office. Kung hindi mahanap ang respondent sa isang civil case, maari ring ipalathala ang summons sa diyaryo.

Hinding-hindi idadaaan sa text ang official notice na ikaw ay idinemanda o may nakabinbing kaso kaya makakasigurado kang hindi nanggaling mula sa korte ang mensaheng natanggap mo.

Mas mabuti kung hindi mo na lang ito sagutin dahil baka ang nagpadala nito ay nag-aabang lang ng pagkakataon upang makapanloko at makapangikil sa mga pinadalhan niya nito.

ESTAFA CASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with