^

Punto Mo

Babae sa China, 40 taon nang hindi nakakatulog!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PINAG-UUSAPAN sa social media websites at ilang news program sa China ang isang babae na apat na dekada o 40 taon nang hindi nakakatulog!

Karamihan sa atin ay hindi makatagal ng walang tulog  sa loob ng isang araw pero si Li Zhanying, 46, may-asawa, mula sa Henan, China ay 40 taon na umanong walang tulog at hindi man lang daw dinadalaw ng antok.

Ayon kay Li, huli raw siyang nakatulog ay noong 6-years old siya.

Ang kakaibang kondisyon na ito ni Li ay kinumpirma ng kanyang mga kapitbahay.

Ilang beses ng sinubukan ng mga kapitbahay ni Li kung talagang hindi ito nakakatulog sa pamamagitan ng pakiki-  paglaro ng baraha sa gabi. Lahat ng mga nakakalaro ni Li ay hindi nakakatagal at umuuwi na sa kanilang tahanan para matulog at ang iba naman ay nakakatulog mismo sa harapan ng ginang.

Maging ang mister ni Li na si Liu Suoquin ay kinumpirma na hindi natutulog ang kanyang misis. Ayon kay Liu, walang tigil sa paggawa ng mga gawaing bahay si Li hanggang gabi dahil hindi ito makatulog.

Nakapagpatingin na noon sa doktor si Li ngunit walang nakitang kakaiba sa kanya at niresetahan na lamang siya ng sleeping pills ngunit walang naitulong sa kanya. Walang epekto ang sleeping pills.

Kamakailan, isang espes­yalista mula sa Beijing ang naging interesado sa kakaibang kondisyon ni Li. Nag-alok ito na pag-aralan ang kaso ng ginang.

Isang grupo ng mga doktor ang gumamit ng mga advanced sensor para pag-aralan sa loob ng 48 oras kung totoo ba na hindi talaga nakakatulog si Li.

Matapos sumailalim sa 48-hour brainwave monitoring, natuklasan na nakatulog si Li ngunit sa hindi normal na paraan.

May rare sleep disorder si Li na tinawag ng mga espesyalista na “sleep when awake”. Ang mga taong may ganitong kondisyon ay mababaw lamang ang tulog. Bukod dito, hindi pumipikit ang mga mata nila tuwing natutulog at aktibo pa rin ang mga nerves at organs kahit tulog na.

Sa kasalukuyan, wala pang lunas sa sleep disorder ni Li.

vuukle comment

TULOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with