^

Punto Mo

Diskarte sa pamamahagi ng ayuda, magkakasubukan na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan ang pinakahihintay ng marami, ngayong araw na ito  ang bigayan ng ayuda sa Metro Manila kaugnay nang ipinatutupad na lockdown.

Kanya-kanyang diskarte ngayon ang LGUs kung paano ang kanilang gagawing pamamaraan at istratehiya sa pamamahagi ng lockdown ayuda na hindi makokompromiso ang health protocols.

Kung sabagay noong una lang naman talagang lockdown nung nagdaang taon,  kung saan namahagi ng ayuda, doon talaga nagkaroon ng mga kalituhan at kaguluhan sa ayuda.

Siyempre, una ito eh kung baga nabulaga rin ang LGUs dahil unang pagkakataon ito na mamimigay sila ng cash assistance dahil sa pandemya na talaga namang dadagsain ng mga benepisyaryo.

Nung pangalawang pagkakaloob ng ayuda lockdown, hindi man naging perpekto at may ilan pa ring naging problema, pero hindi na kagaya ito noong una.

Dahil marahil natututo na sa unang karanasan.

Ngayon, ito ang pangatlong lockdown, inaasahan na maayos na diskarte na ang magagawa ng LGUs.

Kung magkaroon man ng konting kalituhan, dapat naman na maging maunawain ang mga residenteng kukuha ng ayuda, liban na  lang kung talagang lehitimo ang kanilang reklamo.

Tulungan ang kailangan at hindi konting kibot nandoon na ang reklamo.

Huwag na sanang humantong sa awayan at pagkakasakitan, kung maayos ang lahat, mabilis ang magiging proseso, sana maging dito ‘wag nang maging pasaway pati rito.

 

vuukle comment

FINANCIAL ASSISTANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with