^

Punto Mo

Mga apong naulila, maari bang magmana mula sa lolo?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nauna pong pumanaw ang tatay ko kaysa sa aking lolo. Tanong ko lang po kung maari ba kaming magmana ng aking kapatid mula sa aming lolo o iyong mga kapatid na lang po ba ng tatay ko ang maghahati-hati sa mga naiwang properties ng aking lolo? —Rina

Dear Rina,

Kayong magkapatid ay ma­aring magmana mula sa inyong lolo sa pamamagitan ng tinatawag na “right of representation”. Matatagpuan ang right of representation na ito sa Article 970 ng Civil Code kung saan nakasaad na “[r]epresentation is a right created by fiction of law, by virtue of which the representative is raised to the place and the degree of the person represented, and acquires the rights which the latter would have if he were living or if he could have inherited.”

Bilang representative, mapupunta kayo sa posisyon ng inyong tatay na siya n’yong irerepresenta sa magiging hatian. Tataglayin n’yo rin ang mga karapatang mayroon siya kung siya’y nabu­buhay pa sana o kung nagkaroon ng pagkakataong magmana.

Ibig sabihin, kayong magkapatid ang tatayo sa puwesto ng inyong ama, kasama ng kanyang mga kapatid, sa paghahati-hati ng mga ari-ariang naiwan ng inyong lolo. Dahil kayo ang “representative” ng inyong tatay, mamanahin n’yo kung ano sana ang minana niya kung siya ay nabubuhay pa.

Mahalagang linawin na hindi magkapareho ang matatanggap mo at ng iyong kapatid sa matatanggap ng iyong mga tiyo at tiya. Ang bahaging dapat sanang minana ng inyong ama ang inyong matatanggap, na siya n’yo namang paghahatiang magkapatid. “Per stirpes” ang tawag dito na ang ibig sabihin ay magmamana bilang isang grupo ang isang sanga ng pamilya.

Bilang halimbawa, kung apat na magkakapatid ang iyong ama at ang iyong mga tiyuhin at tiyahin, tig-one fourth silang magkakapatid sa mga ari-arian ng inyong lolo. Dahil nga yumao na ang inyong ama, kayong magkapatid, bilang isang grupo na nagrerepresenta sa inyong ama, ang siyang tatanggap sa one fourth na bahaging ito. Paghahatian n’yo itong magkapatid kaya ang bawat isa sa inyo ay makakatanggap lamang ng one-eighth na bahagi ng mana kumpara sa tig-one fourth ng iyong mga tiyo at tiya.

vuukle comment

PROPERTIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with