^

Punto Mo

Kapag kumatok si COVID!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

TINAWANAN at tinawag na katangahan ng ilang mga Pinoy ang payo ng Department of Health (DOH) na magsuot ng face mask sa loob ng bahay upang pigilan ang pagkalat ng COVID. Ang totoo ay hindi ito nakakatawa, kundi napakahirap gawin. Pero napatunayan ng aking pamilya na ito ang tama at epektibong panlaban sa nakamamatay na virus. Mismoooo!

Napatunayan ng pamilya ko na epektib ito nang hindi man inanyayahan, ngunit pumasok at nagtangkang kumalat sa aming tahanan ang COVID. Isang miyembro ng aming pamilya ang nag-test-positive sa COVID matapos makaramdam ng pananakit ng likod at magkasipon. Bukod sa dagliang pag-isolate ng may sakit, ang unang ipinayo ng aming kamag-anak na mga doktor ay magsuot ng face mask ang lahat ng tao sa bahay.

Di namin nagawang tumawa sa ganitong payo at mabilis tumalima sa habilin na magsuot ng face mask. Kahit mahirap, gagawin mo pala itong tagubilin ng DOH upang protektahan, hindi lamang ang iyong sarili, kundi higit sa lahat ay iyong pamilya laban sa COVID na kumitil na milyong buhay sa buong mundo. Mismooooo!

Sa tulong ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna, nagtungo ang mga kawani ng  Alvarez Public Health Laboratory dito mismo sa aming tahanan upang maisagawa ang RT-PCR sa aming lahat.  Humingi kami ng tulong kay Lacuna upang maging home service ang swabbing dahil sa dalawang miyembro ng aming tahanan ay may edad na 90 at mahirap na silang ilabas ng bahay. Mahusay at mabait ang nagsagawa ng swab sa amin, ang grupo ni Maria Luisa Sta. Ana. Para sa iyo Ms. Sta. Ana, saludo kami sa tropa mo. Sana ay hindi kayo magsawa sa pagsilbi sa mamamayan ng Maynila. Salamat Vice Mayor Lacuna!

Habang hinihintay ng pamilya ko ang resulta ng aming RT-PCR, patuloy naming sinusunod ang minimum health protocol ng DOH sa loob ng aming tahanan, kabilang dito ang pagsuot ng mask, madalas na paghuhugas ng kamay at physical distancing. Kami rin ay nag-quarantine at hindi lumabas ng bahay.

Salamat na lamang sa tulong ni chairwoman Lourdes Lantican ng Bgy. 579, mga kapitbahay at online delivery upang makabili ng pagkain sa loob ng dalawang linggo ng hindi lumalabas ng bahay. Habang hinihintay namin ang resulta ng swab test, may mga pagkakataong malilimot mo pala ang salitang tapang. Puno ng agam-agam at takot ang aming naramdaman. Ilan din sa mga kaibigan sa media, reporter man o fotog, ay hindi pinalad at pumanaw dahil sa virus. Nakaka-stress! Lalo na ng pumutok ang balita na biglaang pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa at puno na halos ang lahat ng hospital sa Metro Manila at karatig probinsya. Araguuyyyy!

Walang maykaya o mahirap sa panahon na ito ng pandemya dahil halos hindi na tumatanggap ng pasyente ang mga ospital. Dito mo maiisip na wala pa lang higit na mahalaga pa sa pagmamahal ng pamilya at yaman ng kalusugan. Sa Diyos ka lamang kakapit upang labanan ang takot na iyong nararamdaman. Kaya mga kosa, h’wag na kayong magyabang o hindi maniniwala sa COVID. Totoo ang virus, kaya doble ingat mga kosa dahil hindi mo makukuhang matawa kapag tinamaan ang pamilya n’yo ng COVID. Araguuyyyy! Abangan!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with