^

Punto Mo

Taxi driver sa Bangkok, pinagmulta matapos pagmukhaing gubat ang loob ng kanyang taxi

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGING viral kamakailan sa mga Thai netizens ang Facebook post ng isang nagngangalang Pizchys Phaniwan matapos niyang ipakita ang litrato ng kanyang nasakyang taxi sa Bangkok. Makikita kasi sa litrato na napalibutan ng mga ugat ng puno ang kisame ng taxi kaya nagmukha itong isang sagradong kagubatan.

Ayon kay Pizchys, ito ang pinaka-nakakaba pero nakamamangha niyang pagsakay sa isang pampublikong sasakyan.

Matapos mag-viral ang FB post, nakarating ito sa mga kinauukulan ng Land Transportation Department ng Thailand at napag-alaman nila na ang taxi driver ay nagngangalang Wichai Chinwong.

Ipinaliwanag ni Chinwong na ang mga nilagay niyang ugat sa kisame ng kanyang taxi ay mga sagradong ugat na dinasalan ng isang Buddhist monk. Naniniwala kasi siya na gagabayan siya ng mga ito sa kanyang pagmamaneho at iiiwas siya sa mga aksidente.

Dahil lumabag si Wichai sa patakaran ng Land Transportation Department na dapat ay walang kahit anong mga bagay na maaaring magdulot ng injury sa pasahero lalo na kung hindi naman ito kailangan sa pagbiyahe, pinatawan ng 1000 Baht na multa ang taxi driver at inutusan din siyang dumalo ng isang remedial taxi driver’s training na tatagal ng tatlong oras.

vuukle comment

TAXI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with