^

Punto Mo

Maari bang kasuhan ang manugang?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Maari ko bang kasuhan ng estafa ang aking manugang? Binigyan ko kasi siya ng pera bilang investment ngunit ibinulsa niya lamang ito. Gusto ko sanang malaman dahil may nakapagsabi sa aking hindi maaring magsampa ng kriminal na kaso laban sa mga kamag-anak. Totoo pa rin po ba ito kahit namayapa na po ang anak ko na kasal sa kanya? — Maritess

Dear Maritess,

Nakasaad sa Article 332 ng Revised Penal Code na walang  kriminal na pananagutan ang magbubunga mula sa pagnanakaw, panloloko, o paninira ng ari-arian kung ang krimen ay ginawa ng isang kaanak katulad ng asawa, anak, o ng isang manugang katulad ng sa sitwasyon mo.

Ayon naman sa Korte Suprema sa kaso ng Intestate Estate of Gonzales vda. de Carungcong vs. People of the Philippines (G.R. No. 181409, February 11, 2010) hindi pa rin mananagot ang isang manugang sa panlolokong kanyang ginawa sa kanyang biyenan kahit pa namayapa na ang kanyang asawa. Siya ay manugang mo pa rin sa ilalim ng Article 332 kaya sa kabila ng pagkamatay ng iyong anak na kanya namang asawa ay hindi pa rin siya maaring managot para sa mga krimeng nakasaad sa nasabing probisyon kabilang na ang estafa o panloloko.

Hindi naman ibig sabihin nito ay wala nang magiging pananagutan ang manugang mo. Maari ka pa ring magsampa ng kaso ngunit ito ay civil complaint lamang upang mabawi mo ang halagang nilustay ng iyong manugang at ng perwisyong idinulot niya sa iyo.

Tandaan din na ang Article 332 ay angkop lamang kung simpleng estafa lamang ang ginawang krimen ng iyong manugang. Ayon din sa Korte Suprema sa nauna nang nabanggit na kaso, hindi na saklaw ng Article 332 ang mga sitwasyon kung saan ang ginawang krimen ay ‘yung tinatawag na complex crime kung saan ang krimeng katulad ng estafa ay isinagawa sa pamamagitan ng isa pang krimen katulad ng falsification o pagpapalsipika ng dokumento.

Kaya kung may isinagawang iba pang krimen ang iyong manugang upang maging matagumpay ang panloloko niya sa iyo ay maari mo siyang sampahan ng kaso.

vuukle comment

INVESTMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with