^

Punto Mo

EDITORYAL - Illegal Chinese COVID clinic patuloy pa rin

Pang-masa
EDITORYAL - Illegal Chinese COVID clinic patuloy pa rin

HINDI masawata ang pagsusulputan ng mga illegal Chinese clinic na gumagamot sa mga Chinese na may COVID-19. Noong nakaraang Sabado, isang clinic na naman sa Parañaque ang sinalakay ng mga pulis at mga tauhan ng Parañaque City Hall. Ang sinalakay na clinic ay nasa third floor ng Morgana Bldg. na nasa Multinational Avenue. Inaresto ang caretaker na isang Chinese. Nakumpiska ang medical supplies gaya ng sterile dextrose, stethos­copes at personal protective equipment.

Hindi ito ang unang clinic na sinalakay. Marami na at hindi natitinag ang mga Chinese at patuloy sa illegal na pagtatayo ng clinic. Unang natuklasan ang klinika na pinatatakbo ng mga Chinese sa loob ng isang gusali sa Makati City noong Marso. Hindi sana ito matutuklasan kung hindi dahil sa natanggap na reklamo na nagbabara ang drainage sa gusali. Nang inspeksiyunin, nakita na medical wastes ang nakabara sa mga tubo. Natuklasan ang hindi lisensiyadong clinic na ang mga pasyente ay infected ng COVID-19.

Noong Abril, isang clinic din na pinatatakbo ng mga Chinese ang natuklasan ng mga pulis sa Parañaque City. Ang clinic ay may hospital beds, may mga gamit na pang-test sa COVID-19 at maraming gamot na ang label ay nakasulat sa Chinese. Walang permit ang clinic.

Ang ginagamot sa clinic ay mga Chinese na may COVID-19.

Ang pinakamalaking clinic na sinalakay ng mga pulis ay ang nasa loob ng Fontana Leisure Park sa Clark, Pampanga noong Mayo. May pitong kama ang pasilidad at kumpleto sa gamit para sa pagsusuri at pag-test sa mga may COVID-19. Pawang Chinese ang ginagamot. Wala ring maipakitang permit ang mga Chinese na nag-ooperate ng clinic.

Nagdudulot ng pangamba ang mga natutuklasang klinika ng mga Chinese sa Metro Manila. Habang naghihigpit ang pamahalaan, naglipana naman ang mga Chinese kung saan-saan. Mai-imagine na kaya maraming clinic ay dahil maraming Chinese ang infected sa bansa. Paano ang pag-iingat ng mga Pilipino kung may mga Chinese na may COVID clinic sa bawat kanto?

vuukle comment

ILLEGAL CHINESE CLINIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with