^

Punto Mo

Libu-libong hand sanitizers, ipinamigay ng lalaking nang-hoard matapos batikusin

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

IPINAMIGAY na lang ng isang lalaki sa Tennessee ang 17,700 hand sanitizers na kanyang pinamili matapos siyang imbestigahan ng mga kinauukulan doon dahil sa hoarding na kanyang ginawa.

Ito’y matapos ulanin ng batikos si Matt Colvin na napa-balita sa New York Times bilang hoarder ng hand sanitizers na kanya namang ipinagbebenta online.

Naging tampok siya ng balita nang ipatigil ng online shopping site na Amazon ang pagbebenta ng hand saniti-zers na may napakataas na tubo. Hindi tuloy alam ni Colvin kung paano maipagbebenta ang libu-libong hand sanitizers na pinakyaw niya.

Hindi lang iyon ang naging problema ni Colvin dahil nang kumalat ang balita ay marami ang nagalit sa kanya online at nakatanggap din siya ng ilang pagbabanta.

Humingi naman ng tawad si Colvin sa kanyang nagawa at nagsabing matagal na raw talaga siya sa negosyong buy and sell at hindi lang daw talaga pumasok sa isip niya kung gaano kalala ang kasalukuyang krisis.

Ipinamigay na ni Colvin sa isang lokal na simbahan ang karamihan sa hand sanitizers na kanyang naipon samantalang ang iba ay ibinigay na niya sa pamahalaan.

vuukle comment

HAND SANITIZERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with