^

Punto Mo

Ang ‘reward money’ ni Mayor Isko

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

HINDI pa nag-iinit ang puwitan ni newly elected Manila Mayor Isko Moreno pinasalubungan na ito ng hindi maganda sa Maynila.

Ano “yon?

The other day, ebak ang naapa-kan nito sa bangketa habang nag-iinspeksyon sa Plaza Lawton.

Last Thursday morning naman,  sinampolan ng mga gangster ang isa sa mga bangko sa Manila, na tumangay nang hindi pa malamang halaga ng salapi.

Sabi nga, hit and run ang ginawa ng mga tirador.

Agad naglabas si Isko ng P1 million reward money sa sinumang makakapagturo sa limang nangholdap sa Metro Bank patay man o buhay.

Lagot kayo!

Wala namang reward money na ibibigay si Isko kahit pa may magturo sa taong umebak na natapakan nito kamakailan sa isang lugar sa Lawton.

Sabi nga, kahit singko sentimos ay wala itong makukuha dahil sa kasalaulaan ng walanghiya. 

Ika nga, charge to experience.  

Kambiyo issue, mukhang napanganga ang kapulisan ng pasukin ng mga kontrabida ang Metro Bank at itakbo ang kuartang ninakaw nila.

Ano kaya ang masasabi rito ng PNP intel community?

Kulang kaya ang intel funds nila at hindi nila natiktikan ang plano ng mga tirador?

Naniniwala tayo na mahuhuli rin ng mga autoridad ang mga tirador kung kailan ‘yan ang hindi natin alam sa ngayon.

Tiyak may ‘person of interest’ na ang kapulisan!

Sa palagay ko kung mayroon lamang police visibility at foot patrols na gumagala-gala sa mga matataong lugar at pinapasadahan ang mga bangko sa kanilang jurisdiction malamang maiiwasan na may mangyaring krimen.

Ano sa palagay ninyo?

Tama ba? Abangan.

 

vuukle comment

MAYOR ISKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with