^

Punto Mo

Buhay ng tao humaba ng 5 ½ taon?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SA isang bagong report ng World Health Organization (WHO) ng United Nations, isinaad na humaba nang lima at kalahating taon ang buhay ng tao mula sa pagpalit ng siglo noong 2000. Mula sa dating average na 66.5 taon ay karaniwan nang umaabot ngayon sa 72 anyos ang mga tao. Sila ‘yung nananatili pa ring malakas, malusog at buhay na buhay. Ayon pa sa estadistika ng WHO, mula sa 58.5 taon noong 2000, tumaas hanggang 63.3 taon noong 2016 ang karaniwang healthy life expectancy ng tao.

Karaniwan o average. Ibig sabihin, ang nabanggit ang kalimitang edad na inaabot ng tao. Pero alam naman natin na marami na ring mga tao ang nabibilang sa mga centenarian o yaong umaabot na sa 100 taong gulang o mahigit pa bagaman wala pang napapaulat na lumampas sa 120 taong gulang. Dito nga lang sa Pilipinas ay umaabot na sa libo-libo ang mga centenarians. Ang sinasabi lang sa report ay ang kalimitang nangyayari sa mas maraming tao dahil hindi naman lahat ng tao ay nagiging centenarian.

Gayunman, napuna sa report ng WHO na nagiging mas mahaba ang buhay ng mga babae kaysa sa lalaki. Ayon kay Dr. Richard Cibulski, pangunahing may akda ng World Health Statistics Overview 2019, mas grabe ang nangyayari sa mga lalaki kaysa sa mga babae  kung ang pag-uusapan ay ang mga namamatay sa homicide, road accident, suicide, at cardiovascular disease.  Karamihan daw kasi sa mga lalaki ay pabaya sa kanilang kalusugan. Mas mataas umano nang 44 porsiyento ang tsansang mamatay halimbawa sa sakit sa puso o ibang hindi nakakahawang sakit ang isang lalaki bago pa umabot sa edad na 70 kaysa sa kaedad nilang babae.

Lumitaw din sa report ng WHO na  ang bilang ng mga nagpapakamatay ay mas mataas nang 75 porsiyento sa kalalakihan kaysa sa kababaihan.  Ang mga namatay sa mga aksidente sa kalsada ay dalawang ulit na mas mataas sa mga lalaki kaysa sa mga babae sa edad na 15 anyos.  Apat na ulit ding mas mataas ang bilang ng mga lalaking namatay na may kaugnayan sa homicide.

-oooooo-

(Anumang reaksyon sa kolum na ito ay i-send sa [email protected])

vuukle comment

BUHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with