^

Punto Mo

Fred Lim mananalo sa Maynila!

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

IBINALITA ni dating Manila Mayor Fred Lim na hindi siya aatras sa pagtakbo bilang alkalde ng Maynila gaya ng mga pambobola ng mga kalaban niya na hindi na siya lalaban sa pagka- alkalde.

Naku ha !

Ano ba ito ?

Sabi ni Lim, huwag lang siyang dayain ng kanyang mga kalaban tiyak na siya ang Mayor ng Maynila pagtapos ng eleksyon sa Mayo.

Tiwala si Lim, na gusto siya at mahal siya ng mga taga - Maynila dahil noon pa man malaki ang suporta nito sa kanya kaya naman ginagantihan niya ng mabuting serbisyong bayan ang mga constituents ko.

Sabi ni Lim, kaya naisip niya noon na magpagawa ng mga modelong mga ospital sa iba’t-ibang distrito ng Maynila at ang mga pasyente na papasok dito na may mga sakit ay libreng gamot at ang mga mako-confine ay libreng pagkain.

‘Alam ko ang pulso ng mga mahihirap sa Maynila dahil karamihan sa mga ito ay isang kahig, isang tuka at talagang dapat suportahan para mabuhay kasama ang kanilang mga anak.’ sabi ni Lim.

Ayon kay Lim, nakarating sa kanya ang mga impormasyon na umatras daw siya sa pagtakbo bilang Mayor ng Maynila.  Ito aniya ang ipinakakalat ng kanyang mga kalaban na kinakabahan sa kanya ngayong  nalalapit na ang eleksyon.

“Kapag hindi nila ako dinaya, tiyak ako ang mananalo dahil mahal ako at suportado ng mga taga - Maynila.’ ani Lim.

Ibinida ni Lim, na marami siyang nagawa sa Maynila noon siya ay alkalde pa.

Ibinulgar niya ang mga tiwaling at sinampahan ng kaso sa Ombudsman dahil sa isyu ng ‘ghost employees.’

Ano sa pagalay ninyo sino ang susunod na Mayor ng Maynila ?

Sagot - si Fred Lim !

Abangan.

• • •

Isyung pekeng graduation ni Imee, umiinit

Hindi natin maubos maisip kung politika ang nangyayari sa mga tirada ng mga critics ni Ilocos Governor Imee Marcos, na tumatakbong Senador ngayon midterm election.

Naglalabasan kasi ang mga isyu ng dehins siya graduate sa UP Law at sa Princeton University kaya naman ang mga nakakarinig nito ay nagtataasan ang kilay.

Ika nga, nagiging maangas !

Hindi kumikibo si Imee sa isyung ibinabato sa kanya kaya naman marami tuloy ang naniniwala na baka peke ang palabas na graduate ito with matching honors pa nga ?

Ano sa palagay ninyo ?

Abangan.

vuukle comment

FRED LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with