^

Punto Mo

EDITORYAL - Kikitiran ang lanes sa EDSA

Pang-masa
EDITORYAL - Kikitiran ang lanes sa EDSA

KARANIWAN na ang mabagal na usad ng trapiko sa EDSA. At tanggap na ito ng mga motorista at mga pasahero. Nakasanayan na nila ang araw-araw na pagsisikip ng trapiko. At tanggap na rin nila na mahirap nang masolusyunan ang problemang ito. Mayroong ipinapasa-diyos na lamang ang problema.

Pero sabi ng MMDA, hindi sila tumitigil sa pag-iisip ng paraan kung paano mapapaluwag ang trapiko sa EDSA. Lahat daw ay kanilang susubukan. At positibo silang magtatagumpay sa hangaring mapaluwag ang EDSA.

At isa sa kanilang susubukan ay ang “Road diet’’. Ayon sa MMDA ang “Road diet’’ ay ang pagpapakitid sa mga lane ng EDSA. Kapag binawasan o kinitiran ang mga lane, mapa-north at south bound, marami nang magkakasyang sasakyan.

Mula sa kasalukuyang limang lanes ay gagawin nilang anim na lanes. Ang dating lapad ng lane na 3.4 meters ay gagawing 2.8 meters. Sa pagkitid, kakasya pa ang isang sasakyan kaya makakabawas sa trapik.

Gayunman, sabi ng MMDA, dadaan pa ito sa masusing pag-aaral at pagpaplano. Kailangan din umano ito nang malaking pondo. Isinumite na umano nila sa DPWH ang panukalang “Road diet’’ at hihintayin nila ang approval nito.

Hindi masamang magplano lalo’t sa ikaluluwag ng EDSA. Pero sa aming opinyon, hindi ang pagpapakitid sa lanes ng EDSA ang kasagutan sa problema ng trapiko. Malakas ang aming paniwala na lalo lamang sisikip ang trapik dahil magsisiksikan.

Ang pinakaepektibo pa rin ay pagbawalan ang mga bus na humambalang sa kalsada sa area ng Cubao na nagbababa at nagsasakay ng pasahero. Kinakain ng mga bus na ito ang lane ng pribadong sasakyan. Kastiguhin ng MMDA ang bus drivers sa EDSA para magkaroon ng disiplina at nang maiwasan ang pagbubuhol ng trapiko.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with