^

Punto Mo

Ang pangit

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SA stage play muna umaarte si Meryl Streep noong kanyang kabataan. May pagkakataong naisisingit siya sa pelikula kung saan nakukuha siya sa maliliit na role. Noong siya ay 26 years old, may nakilala siyang Italyano na nagustuhan ang kanyang acting sa isang stage play. Inakit siya ng binata na mag-audition sa gagawing pelikula ng kanyang amang producer na si Dino de Lauretiis. Nakatak­da nitong gawin ang 1976 King Kong. Kaya sinamahan siya ng binata sa magarang opisina ni Dino de Laurentiis sa Manhattan. Pagharap niya sa producer ay nagsalita ito ng Italian sa anak na binata :

 ‘Che brutta !’ ( How ugly or what an ugly woman)

Hindi alam ng supladong producer na nakakaintindi ng Italian si Meryl Streep kaya sinagot niya ito.

‘Naiintindihan ko ang iyong sinabi. Nakakaintindi ako ng Italian. Sorry kung hindi sapat ang aking hitsura para sa iyong pelikulang King Kong. Goodbye!’

Iyon ang naging motivation ni Meryl Streep para abutin at pagbutihin niya ang kanyang acting. Tuwing may gagawin siyang pelikula, ibubulong niya ang mga salitang binitawan ng supladong producer: Che brutta! Iyon ang magic word niya para lalo niyang galingan ang pag-arte. Ang resulta ng pang-iinsulto sa kanya ay ‘di mabilang na mga acting awards. Ilan sa mga ito ay  three Academy Awards, one for Best Supporting Actress in 1979, one for Best Actress in 1982, at Best Actress para 2011s “The Iron Lady”.

vuukle comment

ANG PANGIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with