^

Punto Mo

Buwis-buhay sa ginagawang walkway sa gilid ng bundok sa Hunan, China

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pagkakamali sa paghakbang o pag-atras, tiyak ang kamatayan. Ganito ang maaaring mangyari sa mga worker na gumagawa ng walkway sa gilid ng bundok sa Hunan Province, China. Ilang libong piye ang taas ng bundok kaya tiyak na walang mabubuhay sakali’t mahulog mula roon.

Ang ginagawang walkway ay nasa gilid ng Shifou Mountain at ang sabi ng mga namamahala sa construction ito ang pinaka-mahabang walkway sa gilid ng bundok sa buong China. Sabi ni Ji Yu, dalawang milya ang haba ng walkway na kanilang ginagawa.

Sa paggawa ng walkway, kailangan munang unahin ang paglalagay ng mga malalalim na butas sa pisngi ng bundok. Kapag may mga butas na ang bundok saka isa-isang ilalagay ang mga tukod na kahoy. Maraming kahoy na suporta ang kailangan para maging matibay ang walkway.

Ayon pa kay Ji Yu, hindi sila basta-basta kumukuha ng trabahador. Pinipili nila ang mga taong matagal nang naka-tira at nagtatrabaho sa bundok dahil kabisadung-kabisado na umano ng mga ito ang trabaho.

Pero sabi ni Ji Yu, hindi naman daw talagang delikado ang pagtatrabaho sa gilid ng bundok. Katulad din ito ng iba pang trabaho. “Paano magiging delikado ang pagtatrabaho sa gilid ng bundok gayung mayroon namang tali sa baywang ang bawat worker. Maski siya madulas hindi siya babagsak dahil may tali sa baywang. Ayon pa kay Ji Yu, mayroong insurance ang bawat trabahador.

Pero kahit na ano pa ang paliwanag ni Ji Yu, marami pa rin ang takot magtrabaho sa gilid ng bundok dahil feel nila, hindi sila ligtas.

Tanong din naman ng ilan, meron kayang masisiyahang maglakad sa ginagawang walkway kapag natapos. Hindi kaya maraming matakot kapag nakita ang ibaba?

vuukle comment

SHIFOU MOUNTAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with