^

Punto Mo

Seaman’s book ayaw ibalik ng kompanya!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SA isang dekadang serbisyo-publiko nakita na namin ang mga mabubuti at walang katorya-toryang kompanya. Kagaya ng lagi kong sinasabi sa telebisyon at aking mga staff, ang kalidad ng komunikasyon sa kompanya ay nagreresulta ng magandang kalidad sa institusyon.

Katulad nitong Moreta Shipping Lines, pulpol ang sistema. Mantakin n’yo, alam na nangangailangan ang pobre nilang seaman na si Wilfredo Saplad dinagdagan pa ang problema.

Tapos na ang kontrata ng pobre subalit hanggang ngayon hindi pa rin nagbabayad ng 13th month ang kompanya. Matindi pa nito nakuha pa nilang i-hold ang seaman’s book na kailangan sa pagsampa ng barko. Ang lagay tuloy, hindi makapaghanapbuhay ang tao!

Agad naman namin ‘to itinawag sa Complaints and Investigation Division ng MARINA na si Officer-in-Charge Saturnino Hagosojos II subalit bali-balentong naman ang nakuha naming sagot.

Nagpanting talaga ang taynga ko nung sinabi niya na paghaharapin niya ang dalawang panig para masolusyunan at wala pang isang minuto hindi niya raw magagarantiya ang magandang resulta.

Nalintikan na! Ako imbestigador at hindi embalsamador, dapat agaran ang pagbigay ng tulong sa mga inagrabyado. Pero sa hinaba-haba ng prusisyon, sa MARINA rin ang tuloy.

Kinabukasan kasi sinamahan ng aming team ang seaman at pinagharap sila para masolusyunan. Habang nag-uusap talagang matigas ang bunbunan ng Moreta dahil nangangatwiran pa, akala naman nila uubra sa amin ‘yun kaya nasopla ko sila!

Paalala lamang mga boss, kapag ang mga tao inapi kami ang takbuhan kaya nga pambansang sumbungan. Trabaho lang, walang personalan kaya kung kayo’y tatamaan, malamang guilty kayo!

Kaya kung alam n’yo na mali at nagkulang kayo, huwag na kayong mangatwiran at magbuhat ng bangko dahil dalawa lang naman ang pagpipilian n’yo, ang gawin ang tama o papatayan namin kayo ng kamera kapag nakipagmatigasan pa kayo! Isaksak n’yo sa kokote para magtanda kayo.

vuukle comment

KOMPANYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with