^

Punto Mo

Kumpare ni Erap na si Mayor Viceo, bagong VK operator sa Maynila!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAGKAMALI ng taya si Manila video karera queen Gina Gutierrez at hayun…tigbak ang mga makina n’ya. Halos tatlong linggo nang hindi tinantanan ng City Hall detachment at Manila Police District (MPD) ang pag-raid sa mga butas ni Gutierrez at napuwersang magbalot ang pobre. Sinabi ng mga kosa ko na sa aabot mahigit 1,000 makina ni Gutierrez, halos kalahati lang ang maligpit n’ya dahil madami dito ang ninakaw mismo ng mga tulisan ng MPD at City Hall detachment. Hindi na tinanggap ng lahat ng operating units ng MPD at City Hall ang lingguhang intelihensiya ni Gutierrez matapos iutos ni Mayor Erap Estrada ang pag-raid sa mga puwesto n’ya. Nakarating kasi kay Erap ang tsismis na tumaya itong si Gutierrez sa kalaban n’ya si dating Manila Mayor Alfredo Lim. Di ba nanalo si Erap laban kay Lim ng halos 2,600 na boto lang kaya’t dismayado ang una at ang tsismis na tumaya si Gutierrez sa huli ay kinagat ni mayor. Punyeta! Napakabobo naman nitong si Gutierrez kung pumasok pa s’ya sa pulitika eh hindi naman ginagalaw ang puwesto n’ya ni Erap sa unang sultada nila ni Lim, di ba mga kosa? Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!

Sa ngayon, ang balita na pumalit kay Gutierrez ay itong si Buboy Go, na may nakalatag ding makina sa Malabon at sa Bulacan. Subalit ang inginuso ng mga kosa ko na nasa likod ni Buboy ay itong si Mayor Viceo na taga-Bulacan. Halos 50 makina pa lang ang nakalatag nina Buboy at Mayor Viceo sa kasalukuyan at na-monitor sila ng mga kosa ko na naghahanap ng mabiling vk sa halagang P5,000 kada unit. Barat din pala itong tandem nina Buboy at Mayor Viceo, no mga kosa? Kasi nga ang bentahan sa ngayon ng makina ay P7,000 na at kung bago naman ang bibilhin mo ay aabot ito ng P12,000 kada unit. Ang matindi nito, nagyayabang itong si Mayor Viceo na direkta ang linya n’ya kay kumpareng Erap n’ya kaya’t walang sagabal ang pagpasok ng makina n’ya sa Manila. Totoo ba ito Boss Jude Estrada? At ang mangangasiwa ng makina ng tandem nina Buboy at Mayor Viceo at pati na ang over-all tong collection sa mga pasugalan sa Maynila ay itong sina Major Irinco, ang hepe ng City Hall detachment, SPO2 Antonio “Bong” Cruz, ang tong kolektor ng Station 11, at siyempre ang mga bataan ni MPD director Chief Supt. Rolando Nana. Punyeta! Bagyo na kay Erap itong si Mayor Viceo eh bagyo din s’ya sa kapulisan sa MPD. Get’s n’yo mga kosa? Tumpak!

At itong pag-raid naman sa mga makina sa buong Maynila ay sinamantala ng anti-drug unit ng MPD. Sumali din sa pagsalakay ng mga makina itong anti-drug unit at ang reklamo ng mga nahuhuli nila ay hindi violation ng illegal gambling ang ikinakaso sa kanila kundi paglabag sa dangerous drugs law. Hehehe! Baka naman walang maipakitang accomplishment laban sa droga itong MPD anti-drug unit kay incoming Pres. Rodrigo Duterte kaya’t pati piyaet-piyaet na naglalaro ng vk ay isinama na nila sa listahan nila para dumami sa paningin ni Digong, di ba mga kosa? Hehehe! Kawawang mga biktima ng anti-drug unit ng MPD.

Madami naman tayong nakausap na nagsasabing hindi gagawin ni Gutierrez na tumaya sa pulitika dahil kahit bahay nito ay hindi n’ya pinapakabitan ng mga karatula o campaign materials. Sa totoo lang, may namumuong iringan itong si Erap at ang dating kakampi n’ya na si losing senatorial bet Isko Moreno, na s’ya namang padrino ni Gutierrez noon. Totoo ba ito Ma’m Jackie? Kung sabagay, tulad ni Gutierrez, pati itong si incoming Vice Mayor Honey Lacuna ay biktima din ng tsismis at mukhang naniniwala din itong si Mayor Erap. Di ba kosehal Cassy Sison Sir? Hehehe! Bunga sa konting lamang n’ya kay Lim ay puro tsismis ang inaatupag nitong si Mayor Erap, di ba mga kosa?

Sinabi pa ng mga kosa ko na bilang na din ang araw ni Gen. Nana sa MPD at papalitan s’ya ni Sr. Supt. Rene Aspera, ang 3rd in line sa pagka-PNP chief ni Digong. Subalit kung si Mayor Erap ang mamili, t’yak si Sr. Supt. Gilbert Cruz, na noon pa ay loyal na sa kanya, ang pipiliin n’ya. Abangan!

vuukle comment

CORRUPTION

MEDIA KILLINGS

PRESS CONFERENCE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with