^

Punto Mo

Inaabangang pasabog sa Mamasapano

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Inaantabayan o inaabangan ng marami ang mga gaga­wing pasabog ni Sen. Juan Ponce Enrile sa muling pagbubukas ng pagdinig kaugnay sa Mamasapano incidents ngayong araw na ito.

Isang taon mula nang maganap ang madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao kung saan nga nasawi ang 44 SAF troopers,  masasabing lumikha ito ng malaking kontrobersiya sa panunungkulan ni Pangulong Noynoy.

Isang taon ang nakalipas, hanggang ngayon ay hustisya pa rin ang isinisigaw ng pamilya at mga kaanak ng nasawing SAF.

Hanggang sa ngayon ay wala pa rin nasasampahan ng kaukulang kaso ukol sa insidente, bagamat marami na ang lumabas na mga pahayag, kabilang pa rito ang resulta ng ginawang pagbusisi ng nilikhang Board of Inquiry (BOI) .

Dahil din sa insidenteng ito,  maraming personalidad ang sinasabing naapektuhan  sa insidenteng ito, partikular sa panig ng kapulisan.

Siyempre nangunguna na rito  si dating PNP chief Allan Purisima na sinasabing sa kabila na suspendido sa pwesto bilang puno ng PNP, eh siyang nagpatakbo sa operasyon kasama ang dating SAF chief na si dating  director Getulio Napenas.

Ang noon ay PNP - OIC na si dating Deputy Director Gen.  Leonardo Espina na hanggang sa magretiro eh hindi nai-appoint bilang PNP chief.

Ang noon ay CIDG chief, Director Benjamin Magalong na siyang namuno sa itinatag na BOI na sinasabing next contender para maging PNP chief eh, hindi rin nabigyan ng pagkakataon dahil umano sa naging resulta ng imbestigasyon. Ngayon ay chief ng DIDM si Gen. Magalong na nanindigan naman sa naging resulta ng ginawa nilang inquiry kaugnay sa Mamasapano.

Ngayon muling bubusisiin ang insidente, na dito nakaantabay ang marami nating kababayan na naghahangad sa hustisya sa fallen 44.

Ang tanong., matapos ang pagbusisi o paghahain ng mga bagong ebidensya o detalye, makamit na nga kaya ang hustisya o mananatling hanggang balitaktakan lamang ang lahat hanggang sa tuluyang makalimutan ang insidente.

vuukle comment

ALLAN PURISIMA

ANG

BOARD OF INQUIRY

DEPUTY DIRECTOR GEN

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

GETULIO NAPENAS

ISANG

JUAN PONCE ENRILE

LEONARDO ESPINA

MAMASAPANO

NGAYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with