^

Punto Mo

Sir Juan (51)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI makakita nang magandang tiyempo si Nectar kung paano kakausapin at ipakikita kay Sir Juan ang mga malalaswang litrato ni Mahinhin habang nagsasayaw sa KOLEHIYALA.

Laging may kausap sa phone si Sir Juan at napaka­tagal makipag-usap. Kung hindi naman nakikipag-usap ay mayroong ipinagagawa sa karpintero. Gaya kahapon na ipinaaayos ang bubong at pinapipinturahan. Umaakyat din sa bubong si Sir Juan para nakikita ang ginagawa ng karpinto at pintor. At dahil nasa bubong hindi niya magawang makausap.

Ngayong araw na ito ay muli niyang susubukan kung makakausap at maipakikita ang mga mahahalay na picture ni Mahinhin. Kailangang malaman na niya ang malaswang trabaho ni Mahinhin na ang pinamamalita ay bookkeeper daw sa pabrika. Ha-ha-ha! Pabrika kaya ng ano? Baka pabrika ng panty at bra! Dahil laging may nagtatanggal ng panty at bra dumami na ang bra sa pinagtatrabahuhan at iyon ang kanyang inu-audit, ha-ha-ha!

Malapit nang mabuko ang lihim mo Mahinhin!

Muling sinubukan ni Nektar kung makakausap na si Sir Juan ngayong araw na ito.

Tinungo niya ang opisina nito para tingnan kung ano ang ginagawa.

Pero nadismayang muli si Nectar dahil nasa bubong na pala uli si Sir Juan at binibigyan ng instruction ang mga karpintero at pintor. Nakausap mismo ni Nectar ang isang alalay ng karpintero at sinabing nasa itaas si Sir Juan at iniinspeksiyon ang mga ipinagagawa. Tinanong niya kung kailan bababa si Sir Juan. Baka raw mamaya pa dahil maraming sinasabi sa mga trabahador.

Inis na inis si Nectar. Maraming beses na siyang nabibigo na makausap si Sir Juan.

Hindi na siya makakapag­hintay pa.

Mamayang madaling araw, kakatukin na niya si Sir Juan sa room nito. Mga alas dos ng madaling araw niya kakausapin at ipakikita na ang mga malalaswang picture.

Tinupad ni Nectar ang plano. Gumising siya ng ala-una ng madaling araw. Nagpabango muna bago dahan-dahang nagtungo sa room ni Sir Juan.

Kumatok siya.

Ilang saglit at binuksan ni Sir Juan.

‘‘Sir Juan, may ipakikita ako sa’yo.”

Nakatingin lamang si Sir Juan. Parang nananaginip pa ito. (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAHIL

GAYA

GUMISING

ILANG

JUAN

MAHINHIN

MGA

SIR

SIR JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with